Tnx p0 sa pag sg0t saken panaginip..may ita2nong aq sa panaginip ng mama q sbe nia namatay ung stepfather q sa pnaginip..an0 p0 ba ibg sbhn nun tp0s hbngbuhat ni mama ung stepfther q tinatwag q pangaln ng papa q namatay na sbe ni mama sa papa q nmaty “carlit0 buhayin m0 cia wag m0 naman cia kunin nwla kna smen sna cia wag naman kya buhayin m0 cia db sbe m0 wag nia kme pba2yaan” un ang cnbe nia sa tunay qng papa namaty na tp0s ngumiti daw stepfther q un 2luyan na daw namatay an0 p0 ba ibg sbhn nun? pki sg0t p0 wag muna p0 ilagay # q twagin m0 nlng aqng ashley tnx nd g0dbless
To Ashley,
Ang panaganip ng mama mo ay maaaring may kaugnayan sa pag-aalala niya sa kinabukasan ng inyong pamilya. Maaaring sagisag din ito ng pangamba na nasa subconscious niya hinggil sa takot at sakit na mawalan muli ng mahal sa buhay.
Posible rin na ang rason ng ganitong panaginip ay may kaugnayan sa mga negatibong impluwensiya sa iyo ng ibang tao, pati na ang hindi magandang pakikihalubilo sa maling grupo. Alternatively, maaaring simbolo rin ito ng material loss o kaya naman, ng pagkakahawig ng quality at pagkatao ng namayapa nang napanaginipan, sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap. Ito ay maaari rin namang isang paraan upang mas matanggap ang pagkawala ng mahal sa buhay at mas makapag-paalam na rin ng mas maayos. Ito ay nagre-represent din naman ng manifestation ng takot mula sa iyong subconscious na mawala ulit ang iba pang mahal sa buhay. Maaaring nagpapahayag din ang panaginip na tulad nito ng pangangailangang magdalamhati o kaya naman, pakawalan o pabayaan na ang isang bagay na naging bahagi mo at naging malapit sa iyo. Nagsasabi rin ito na pag-isipan nang hingin ang tulong ng mga malalapit sa nanaginip, upang mas madali niyang malagpasan ang mga darating na suliranin o pagsubok.
Señor H.