“N-nakakahiya, e… u-umaalagwa ako sa kalasingan,” aniya sa pagtutungo ng ulo.
“Sa uulitin, ‘di ka dapat uminom nang sobra… Ang ‘di dapat ay ‘yung magpigil ka ng damdamin,” payo ng binata kay Lily.
Napaangat ang mukha niya kay Ross Rendez. Kinabahan siya na baka magyaya ito sa kung saan ngayong hindi siya lasing.
“A-ano ang ibig mong sabihin… Sir?” ang lumabas sa kanyang bibig.
“Kasi, kapag lagi kang magpipigil ng emosyon ay posibleng dapuan ka ng sakit sa puso,” si Ross Rendez, seryoso.
At idinugtong nito: “Kaya nga ako, ibubulalas ko ang gusto kong malaman mo… na umiibig ako sa ‘yo.”
“S-Sir…”
“Wag ‘Sir’ ang isagot mo… Pwede bang ‘yes?”
Ewan kung bakit hindi niya nagawang tumutol nang gagapin ng binata ang kanyang palad. Pinisil iyon. At mata-sa-mata nitong binigkas na pabulong ang mga ka-tagang “mahal kita.”
Napa-”oo” siya. Sa pagbigkas niyon ay nangilid ang luha sa mga mata niya. ‘Yun ang tinatawag na “luha ng kaligayahan.” Pinahiran ni Ross Rendez ng panyo ang magkabila niyang pisngi.
“Wala akong maipapangako sa ‘yo kundi ang maging tapat,” panunumpa nito sa kanya.
Nang magkalasan sa Tagayan Sa Kalsada ang buong tropa, ewan kung bakit hindi rin tumanggi si Lily kay Ross na madala nito sa inookupahang tirahan. At handa si-yang isuko ang sarili sa binatang manunulat sa ngalan ng pag-ibig.
At inilatag niya ang katawan sa malambot na kutson na inilatag ni Ross Renez sa sahig.
“B-be gentle, ha?… V-virgin pa ako,” ang nasabi niya, maaaring bunga ng kaba sa dibdib, o ibig din niyang maipagmalaki iyon sa binata na magiging una niyang karanasan sa lalaki.
“Hindi mahalaga sa isang lalaking nagmamahal kung virgin man o hindi ang babae. Ang mahalaga’y kapwa sila nagkakaunawaan at nagmamahalan,” ang paninindigan ni Ross Rendez. (Itutuloy)
ni REY ATALIA