Kinalap ni Tracy Cabrera
NAKAPAGBIBIGAY ng buhay sa ari ng lalaki ang kamandag ng isang gagamba—kung minsan ilang oras din—bago mawalan ng buhay ang biktima.
Nadiskubre ang kakaibang gagamba sa isang tiklis ng saging na nabili mula sa isang tindahan sa Britain, ulat ng isang UK news site.
Ayon kay Maria Layton, nagulat daw siyang makita ang bag ng saging na binili ng kanyang mister mula sa isang retail store na may mga makakamandag na gagamba, ulat ng The Bristol Post.
“Humingi ng saging (ang aking anak). Iyong unang saging may kakaibang kagat, kaya kumuha pa ako ng isa para sa kanya at doon ko na nakita iyong malaking spider cocoon. May sapot din ng gagamba doon sa ibang mga saging. Natakot ako—ayoko ng mga gagamba, pero nabasa ko na rin iyong tungkol sa mga Brazilan Wandering Spider—at nangamba ako sa potensyal na panganib sa aking pamilya,” salaysay ni Layton
Idinagdag niya na nagsimulang mapisa iyong spider cocoon, “kaya inilagay ko sa selyadong kahon at saka itinabi sa freezer dahil nakalagay doon sa nabasa ko na puwede silang mamatay.”
Lumitaw na ang mga saging na nabili ng mister ni Layton ay nagmula sa Costa Rica, na pinanggalingan ng agresibong Brazilian Wandering Spider (Phoneutria nigriventer) na ang kamandag ay sanhi ng masakit at matagal na ereksiyon ng ari ng lalaki bago ang kamatayan.