BAKIT ikinokonsiderang good feng shui ang feng shui crystal sa bintana?
Ikinokonsiderang good feng shui crystals ang natural rock crystals na hindi “radiated” o hindi kinulayan; ang ibig sabihin ay ang crystals na magdudulot ng most potent feng shui energy sa tahanan.
Ang iba pang popular use ng terminong feng shui crystals ay sa konteksto ng paggamit ng faceted lead crystals na nakasabit sa espisipikong feng shui corners ng bahay o bintana. Kadalasan, ang feng shui crystals na ito ay may red string, gayundin ay iba’t iba ang sukat.
Kung may ganito kang feng shui crystals na nakasabit sa sunlit window, may makikita kang magandang kulay ng rainbow lights sa inyong bahay, na tiyak na magbubuo ng excellent feng shui energy. Hindi mo kailangang lagyan ng feng shui crystals ang lahat ng mga bintana, maglagay lamang nito sa bintana na nasisikatan ng araw.
Gayunman, hindi ibig sabihin nito na awtomatikong magkakaroon ang iyong bahay ng good feng shui dahil lamang sa pagsasabit ng feng shui crystals sa inyong mga bintana. Marami pang dapat gawin upang magkaroon ng good feng shui house.
Feng shui-wise, ginagamit din ang crystal spheres sa:
*Sa bintana na may Sha Chi energy na nakadirekta rito
*Sa long narrow hallway na madilim o kaunti lamang ang liwanag.
*Sa dark corner na madaling mabuo ang stagnant energy.
*Sa erya ng bahay na sobra ang chaotic energy, katulad ng small space na maraming mga pintuan, halimbawa.
Minsan ay may matatagpuan kang faceted round feng shui crystal sphere na nakatali sa red string at may nakasabit na maliliit na crystals. Ang smaller crystals ang magdidiin sa specific feng shui use ng crystal sphere. Halimbawa, kung ang string ay may nakasabit na maliliit na rose quartz crystals, ito ay tiyak na good feng shui love cure.
Huwag kalimutang linisin ang crystals, ito ay mahalaga para mapanatiling sariwa ang enerhiya at upang manatili itong epektibo.
Huwag ding kalimutan na maaari mong gamitin ang enerhiya ng crystals sa pagpapalakas ng iyong sariling personal energy.
ni Lady Choi