PAINIT NANG PAINIT ang lahat ng isyu na may kaugnayan kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather jr.
Maging ang dating pinag-uusapan na paghahamon ni Ultimate Fighting Championship (UFC) star Ronda Rousey kay Floyd para magharap sa isang Mixed Martial Arts Match, binubuhay din.
Sa interbiyu ng ESPN’s Television program “His & Hers” nito lang Miyerkoles ay nabuksan ang katunungan kung sino ang magwawagi, si Floyd o si Rousey? Si Pacquiao pa mismo ang natanungan ng ESPN.
Ang sagot ni Pacman, ”I believe so, (Rousey is) strong, and she’s strong enough to beat Floyd Mayweather in MMA.”
Pananaw lang iyon ni Pacquiao o parte ng psywar nila ni Floyd. Siyempre, iba pa rin ang lakas ng lalake sa babae.
Pero mukhang kakampi ni Pacman si Rousey, ha. Balita natin ay bibigyan ni Bob Arum ng libreng tiket ang MMA champion para panoorin ang labang Pacquiao-Mayweather.
Siyempe pa, magtsi-cheer si Rousey kay Pacman.
0o0
Mukhang si Nacho Beristain, trainer ni Juan Manuel Marquez, kampi rin ni Pacman.
Umaasa ang Hall of Famer trainer na magiging patas ang tatayong hurado sa nasabing laban sa May 2.
Ikanga niya: WALANG LUTUAN!!!
“There are suspicions in this fight whether judges will favor Mayweather because he is American, and the judges will be United States,” pahayag ni Beristain sa notifight.com. “Besides that, the lead promoter of the contest is the same company owned by Mayweather, and the audience will be American. I hope… this time the judges will score the fight well and do not show favoritism to Mayweather.”
0o0
Umepal na naman itong si Paulie Malignaggi sa init ng pinag-uusapang labang Manny at Floyd. Pero sa pagkakataong ito, medyo nag-aalala siya sa posibleng senaryong mangyari kay Pacman.
Ayon kay Malignaggi, “Al Haymon can manipulate anything. Just want to put this out there. I have an ever so slight suspicion that Al Haymon could scheme to frame Manny Pacquiao with a fake positive drug test via his and Richard Schaefer’s association with Travis Tygart at USADA. Not saying it will happen, just a remote possibility. Hopefully it won’t.”
Dagdag pa sa suspetsa ni Malignaggi, ”A few elements aroused my suspicions. The weird, nervous, weak, pre-scripted manner that Mayweather spoke in at the press conference on Wednesday. The sneaky smile he gave Bob Arum when they shook hands, which conveyed a message of, ‘You old fool, I’m gonna have the last laugh, just you wait.’ And, most curiously, last night, Keith Thurman actually said in an interview at the Spike Boxing card in California, that if Pacquiao drops out of the May 2 Mayweather fight, he would step in as a replacement if that’s what Al Haymon wanted.”
ni Alex L. Cruz