Tinulungan naman siya ng mga kaibi-gan sa sirkulo ng mga “Bagong Dugo” sa paglulunsad niyon sa isang unibersidad na buhay na buhay ang panitikan.
“Sabi ko na nga ba’t darating si Sir, e…” paghahayag ng isang kabataang writer sa pagpasok ni Ross Rendez sa venue ng idinaraos na book launching.
Namula agad ang mga pisngi ni Lily. Kung pwede nga lang ay ibig na ibig ni-yang maglaho sa kinaroroonan na parang isang bula. At lalo siyang natensiyon nang pumila si Ross Rendez sa mga magpapapirma sa biniling aklat na akda niya.
“Salamat sa paglutang ng isang white Lily sa larangan ng panitikan,” anito sa pagbuklat sa pahina ng aklat na lalagdaan ng dalaga.
Naumid ang dila ni Lily. At nanginig ang kamay niya sa paghawak ng signpen.
“Magbo-blowout ako pagkatapos ng event na ‘to,” sabi ni Ross Rendez sa kanya.
Na hindi man lang hinintay ang pagtango niya. At nagyakag agad ng kanilang makakasama.
“Guys, sama kayo, ha? Mag-two bottles tayo,” dugtong ng binatang manunulat.
“Ay, sir, may stiff neck lang ang tatanggi! Ang matunog na palakpakan ng mga urot na kalalakihan sa grupo ng mga kabataang manunulat.
“Saan tayo, Sir?”
Hindi na nakatanggi si Lily. Doon sila humantong ni Ross Rendez at ng mga kabataang nahihilig sa pagsusulat sa isang lugar na inuman sa Kyusi. Regular na suki roon ang mga writer, journalist at iba pang nalilinya sa larangan ng sining. Parang se-lebrasyon iyon sa unang paglulunsad ng kanyang aklat na naisulat. Masaya at masiglang nagtagayan ang mga kasama niya roon. Pero doon sa isang sulok ng tinaguriang “Tagayan Sa Kalsada, siya at ang binatang manunulat ay naging seryoso ang pag-uusap. Tungkol sa mga buhay-buhay, sa kung ano-anong paksa, at tungkol sa kanilang dalawa.
“Hindi mo ‘ko dapat iwasan,” paglalabas ni Ross Rendez ng saloobin sa kanya.
(Itutuloy)
ni REY ATALIA