ni Tracy Cabrera
INIHAYAG kamakailan ng Swedish carmaker Volvo Cars na nakompleto na nila ang disenyo para sa tinaguriang mga self-driving cars, o sasakyang nagmamaneho mag-isa, na kanilang planong ilunsad sa 2017.
“Naidisenyo na ng Volvo Cars ang complete production ng viable autonomous driving system,” pahayag ni Peter Mertens, head ng research and development ng Volvo.
“Ang susi sa pagsasagawa ng masasabing ‘unprecedented leap’ ay isang complex network ng mga sensor, mga cloud-based positioning system at intelligent braking at steering technology.”
Mahigpit na nakikipagtunggali ang Chinese-owned group sa kanilang mga Japanese competitor na Nissan at US Internet giant Google para maging kauna-unahang maglalagay sa sirkulasyon ng mga fully-automated na kotse.
“Babaguhin ng autonomous driving ang pananaw natin sa pagmamaneho,” ani Mertens, sa pagbansag sa proyekto bilang “uncharted territory” na may mga hamon din ukol sa strict safety requirements.
Sinabi rin ng grupo na naka-develop na sila ng ‘autopilot’ na may backup systems na magpapatuloy na mag-function kahit hindi umaandar ang ilang piling bahagi. Sinabi rin nito na mas mabilis na magre-react ang kotse kaysa tao sa panahon ng emergency.
Plano ng Volvo Cars na maglagay ng 100 self-driving cars sa mga lansangan ng Swedish city na Gothenburg sa 2017 sa pilot initiative na kasama ang transport authority at lokal na pamahalaan ng Sweden.
Hiwalay na kompanya ang Volvo Car Corporation mula sa Volvo Group, ang gumagawa ng mga truck, bus at construction machinery, siimula nang maibenta ang auto company sa Ford noong 1999 at sa Geely noong 2010.