ALAM ng Meralco na hindi ito puwedeng magbiro kontra Alaska Milk sa kanilang pagtatagpo sa PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Seseryosohin din nang todo ng defending champion Purefoods Star ang Barako Bull sa unang laro sa ganap na 4 pm.
Nakataya para sa Meralco (6-2) ang pananatili sa itaas ng standings. Hangad naman ng Aces (3-5) na makaalis sa ikasampung puwesto.
Kapwa galing sa panalo ang Bolts at Aces upang tapusin ang kanilang losing skid.
Ginapi ng Bolts ang Barako Bull,
Sa 4 pm opener, hangad ng defending champion Purefoods Star na kumawala sa three-way tie para sa ikalawang puwesto sa pagtutunggali nila ng Barako Bull.
Ang Meralco ay pinamumunuan ng walang kapagurang import na si Josh Davis na susuportahan nina Gary David, Reynell Hugnatan, Cliff Hodge at Jared Dillinger.
Naitala na rin ni Damion James ang kanyang unang panalo bilang import ng Alaska matapos palitan si DJ Covington nang gumawa siya ng 29 puntos, 22 rebounds at dalawangassists sa 40 minuto laban sa Elite. Makakatulong niya sina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros at Chris Banchero.
Magpupuggay para sa Aces si Nonoy Baclao na nakuha kamakailan buhat sa Barako Bull kapalit ni Gabbu Espinas.
Ang Purefoods Star ay kasama ng Talk N Text at Rain Or Shine sa ikalawang puwesto sa record na 6-3. Ito ay matapos na magwagi sila kontra sa San Miguel Beer (113-105) at Talk N Text (118-117).
Ang Hotshots ay sumasandig sa import na si Denzel Bowles. Ang iba ang inaasahan ni coach Tim Cone ay sina James Yap, Peter June Simon, Mark Pingris, Joe DeVance at Mark Barroca.
Ang Barako Bull, na pinamumunuan ng seven-foot Nigerian import na si Solomon Alavi, ay may 4-5 karta at natalo sa huling tatlong games. bago yumuko sa Meralco, ang Energy ay inaig ng Rain Or Shine (103-91) at San Miguel Beer (102-1).