ITINURO ng feng shui na ang lahat ng bagay ay enerhiya, at tayo ay nasa constant energy exchange sa lahat ng bagay sa ating paligid. Kaya mahalagang magbuo ng feng shui home na may masaya at malusog na enerhiya.
Ang feng shui ay may iba’t ibang tips para sa happy feng shui home, ang lahat ay base sa katotohanang kung ikaw ay nakatira sa malusog at masayang feng shui home, ang iyong sariling enerhiya ay nagiging malusog at masaya rin.
Napapansin mo ba kung paanong napagbabago ng masayang tao ang enerhiya ng kwarto kapag sila ay dumating? At kung paano ka nagiging mas masaya at nagiging higit na positibo kapag nakakasama ang masasaya mong mga kaibigan?
Ito ay nangyayari dahil ikaw ay nasa constant energy exchange sa lahat ng mga bagay sa iyong paligid – mga tao, hayop, gusali, punongkahoy, etc.
Ito na ang pinakatamang panahon para bigyan ng pabor ang sarili at gamitin ang feng shui sa pagbuo ng ultimate happy feng shui friend – ang iyong sariling tahanan.
Kung gaano mo kabatid ang anatomy ng iyong space, halimbawa sa feng shui, ganoon din ang iyong matatamo sa punto ng pagtatatag ng nourishing relationship sa iyong tahanan. Ang bagong relasyong ito ay mapakikinabangan sa lahat ng erya ng iyong buhay: love life, career, relasyon sa iyong mga anak.
Kung nagsisimula pa lamang sa pag-unawa sa feng shui at nais mabatid kung ano ang magagawa nito para sa iyo, narito ang dalawang essential feng shui starting points.
*Ikonekta ang sarili sa iyong tahanan katulad ng pagkonekta mo sa isang tao. Magtanong, makinig at magtuon ng atensyon.
Suriin at alamin kung anong feng shui areas ng iyong bahay ang “nasasaktan.” Ang ibig sabihin ay ano ba ang hindi umuubra, hindi magandang tingnan, at anong lugar ang ayaw mong manatili ka roon, etc. Katulad ng kirot na nararamdaman sa isang bahagi ng katawan na nagpapatigil sa pagdaloy ng enerhiya sa buong katawan, ganito rin ang nangyayari sa feng shui ng iyong tahanan. Ang bawat bahagi ng iyong tahanan ay nakakonekta sa specific part ng iyong buhay (halimbawa, Ang East feng shui area ay konektado sa iyong health and family life); ang low energy sa specific feng shui part ng iyong tahanan ay magsisimulang i-reflect ang lower energy o blockages sa specific areas ng iyong buhay.
*Tanggapin ano man ang estado ng tahanan nang walang strong emotional response. Tanggapin nang maluwag sa loob.
Halimbawa, ayaw mong makita ang bathroom sa ikalawag palapag, ngunit ayaw mo rin itong gawan ng solusyon. Ano man ang dahilan, ito man ay panahon, pera, kawalan ng tiwala sa sarili o lahat ng ito, tanggapin ito. Maupo at isulat ang ilang feng shui steps na kailangan upang maipaayos ang bathroom at upang muling maging maganda. Harapin ito nang walang emotional attachment, gawin ito na parang trabaho lamang o malaking proyekto na kailangan mong harapin.
Maaaring lumutang ang strong emotions, kaya naman dapat na paghandaan mo ito, ngunit huwag hayaang mapigil nito ang iyong ginagawa sa paggamit ng feng shui para malunasan ang iyong tahanan, katulad ng specific na bahagi ng iyong buhay.
ni Lady Choi