SA graduation rites kahapon ng mga batam-batang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Philippine Military Academy (PMA) ‘Sinaglahi Class 2015’ sa Fort del Pilar, Baguio City, isinubo ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ipinangangalandakang “Tuwid na daan.”
“Ang hamon ko sa inyo, ipagpatuloy ang nasimulan ng nauna sa inyo upang di masa-yang ang sakripisyo sa bayan. Di naman kayo nagpakahirap sa PMA para sa huli ay mabalewala at masayang ito. Kung ang bawat isa sa inyo ay maninindigan sa angkin na galing at lakas, maipapamana natin ang isang bayan na mas maganda. Sa tulong ninyo, gagawin na-ting very well-travelled ang tuwid na landas.”
Reaksyon ng netizens: “Mr. President naging tuwid naman ba kayo sa naging madugong operasyon ng PNP-SAF sa Mamasapano kungsaan 44 commandos ang nasawi? Tuwid bang masasabi ang makipag-ugnayan kayo kay suspended PNP Chief Alan Purusima? At ngayon ay idinidiin ninyo ang sinibak na SAF Commander na si Getulio Napenas na sumusunod lang naman sa utos ng mas mataas sa kanya na siyang tumatanggap ng order mula sayo?”
Tuwid ba ito, Mr. President!?
Huling shabu binawasan ng mga pulis-CIDG
– Mr. Venancio, isa po akong barangay kagawad. Kasama po ako sa raid ng CIDG R8 sa isang bigtime drug lord na si Richie Montecostro sa Fatima, Tacloban City. Pwede ba yung ebidensya ilagay sa bulsa ng isang pulis? Kitang kita ko po na isang buo na 1/4 kilo na shabu na kinuha ng isang pulis na pangalan Erwin Manalo at ipinasa naman sa isang pulis na si Dennis Torifel. Yung ipinakita nila sa New TV dito sa Tacloban ay 20 sachets lang at isang baril. Nasaan ang 1/4 kilo na shabu? Wag nyo nalang po ilabas ang number ko, mahirap na. Sana makarating ito kay General Espina (OIC Chief PNP).
Totoo ba ito, mga pulis na Manalo at Torifel? Gusto ko makuha ang panig ninyo. Hindi ko lang alam kung saan kayo kokontakin. Maari ninyo akong tawagan o mag-text ng inyong reaksyon o paliwanag sa numero na ito.
Kotong-huli ang “Red Boys” sa Valenzuela City
– Report namin ang mga task force sa Valenzuela City lalo na yung “Red Boys”. Grabe sila manghuli ng mga bus. Ano ang dapat naming gawin? Kaya may bus stop para magsakay ng pasahero. Bakit ganun? Pagkatapos magsakay, hulihiin ka. Mukhang pera pa sila. Pagkatapos malagyan sila, pabayaan ka nalang. Dapat sagot nila kasi nalagyan mo, eh hindi. lalo dito sa Paso Deblas. Grabe! – 09072125…
Illegal logging sa Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal
– Mr. Venancio, report ko po dito sa Sitio Tu-oy, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal, may illegal logging na nagaganap. Lahat ng kahoy at uling siya ang buyer at nagbibinta. Malakas ang loob nito kasi may kapit na direktor ng DENR na si Laqueza daw. Yung tao na ito galing sa isang kahig, isang tuka. Dahil sa iligal naging milyonaryo. Sabi nya raw, pera lang katapat ng mga humaharang sa kanya. Pati mayor pumipirma pa sa gawain niya. Siya po si Edwin na may mga kasong kriminal dito sa Tu-oy. Don’t publish my number, pls. – Concerned citizen
***
GREETINGS!: Happy graduations sa mga magsisipagtapos ngayong buwan, laluna sa aking bunsong JR na honor student parin. Manang mana sa kanyang mama. Kung walang K12, dapat ay 1st year high school na sya. At sa aking bunsong dalaga, aral-aral muna.. 3 sems nalang yan!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]
ni Joey Venancio