Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para kanino ba sina Deles at Ferrer?

USAPING BAYAN LogoANG kabayanihan ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na pinatay ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano ay nagmulat sa ating lahat tungkol sa pa-nganib na dala ng Bangsamoro Basic Law sa ating republika.

Dahil sa walang awang pagmasaker ng MILF at BIFF sa mga PNP-SAF commandos noong Enero 25 ay nakilala ng bayan ang tunay na mukha ng mga nasabing grupo na nagbunsod sa mga mambabatas na muling balikan ang kawastuhan ng BBL.

Nabusisi ang naturang panukala at himalang sa pagkakataong ito ay nakita ng mga senador ang mga mali at unconstitutional na probiso ng BBL. Malabo na tuloy na pumasa ang BBL sa kasalukuyang orihinal ngunit mapanganib na anyo. Salamat naman at mukha talagang masi-sinop ang panukalanng batas. Salamat sa inyo mga bayani ng bayan at napigilan ang pagbiyak sa ating republika na pinagbuwisan ng buhay nang marami.

* * *

Kahit anong sabihin nila Aling Teresita Deles at Miriam Coronel Ferrer na walang problema ang BBL at hindi ito makasasama sa ating republika ay hindi nila maitatago ang katotohanan na magkakaroon ng sariling teritoryo, pamahalaan, hudikatura, pulisya, COA, Comelec atbp ang MILF. Hindi lamang ‘yun, ang MILF ay magkakaroon ng eksklusibong kapangyarihan sa mga ibibigay natin sa kanila. Aba katangian na ang mga ito ng isang bagong bansa… kaya pala sub-state ang tawag sa itatayong Bangsamoro. Bago ko malimutan… ayon sa BBL tayo ang magpopondo para maitayo ang maliit na bansa ng MILF sa loob mismo ng ating bansa. Ayon kay Senador Ralph Recto ay aabutin nang mahigit na P500 bilyon ang gagastusin natin para sa Bangsamoro ng MILF. Hmmm buwis natin ‘yun perang ‘yun… perang magagamit sa higit na mas makabuluhang mga bagay na ikauunlad ng ating mga kapatid sa lupang ipinangako at hindi ng MILF lamang. Malinaw na iginigisa tayo sa ating sariling mantika ng MILF at ng mga sabwat nila sa administrasyon ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino. Ano masasabwat ‘este masasabi ninyo Aling Deles at Ferrer?

* * *

Bakit nga ba mas mukhang tagapagsalita ng MILF sila Aling Deles at Ferrer kaysa lingkod ng Republika ng Pilipinas? Ay hindi ko maipapaliwanag ‘yan… mabuting sila ang tanungin ninyo mga kababayan ko.

* * *

Kung ibig ninyo nang mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maaari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

 

ni Nelson Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …