Friday , November 22 2024

Anarkiya sa Makati

00 Kalampag percyUNLIMITED ang itinatanghal na paglabag sa batas ni Mayor Junjun Binay at ng kanyang angkan sa Makati City Hall, pero walang ginagawa ang gobyerno para pigilan o wakasan ito.

Kailan pa naging wasto na gawing bahay ng isang opisyal ng pamahalaan at pamilya ang isang tanggapan ng gobyerno?

Hindi ba maliwanag na “obstruction of justice” ang pagbabarikada ng mga bayaran sa Makati City Hall para pigilan ang sinomang magpapatupad ng kautusan na ibinaba ng Ombudsman na nagsususpinde kay Binay bilang alkalde?

Lumalabas na pati mga karaniwang kriminal ay pwede nang umupa rin ng mga tao na magbabarikada para hindi maipatupad ang kautusan ng hukuman at hindi maaresto.

Hindi naman mangyayari ang mga ganitong uri ng lantarang pag-aabuso kung sa simula pa lang ay ipinatupad na ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin si Junjun Binay bilang alkalde ng Makati City.

Walang kakurap-kurap ang mga mata kung hamunin ng mga Binay si DILG Sec. Mar Roxas at ang gobyerno na suspendihin siya.

Suportado pa ng kakampi nilang addict sa paglabag sa batas na si ousted president at convicted plunderer Joseph Estrada na nagpadala ng bayarang magbabarikada sa Makati.

Tila asong nabahag ang buntot ni DILG Sec. Mar Roxas at ng Palasyo sa isyung ito at binabalewala ang nagdudumilat na pagdapurak sa ‘Rule of Law’ sa Makati City.

Sino na ang magpapatupad ng rule of law sa isang lungsod na pinagkasya ng mga Binay sa kanilang bulsa?

Baka naman kaya natatakot si Roxas at ang Palasyo na hindi sila sundin ng Philippine National Police (PNP) kapag ipinag-utos nilang ipa-tupad ang suspension order at pagbuwag sa mga hunghang na nagbabarikada sa loob at labas ng Makati City Hall?

“TIGAS-TITI” LANG KUNG IPATUTUPAD ANG BATAS

MABUTI pa palang ‘di hamak, kompara kay PNoy, ang administrasyon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo na ginamit ang puwersa ng PNP sa pag-aresto kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at sa nakabilanggong anak na si Sen. Jinggoy Estrada.

Noong panahon naman ng nanay ni PNoy, tinangkang maglambitin ni Erap sa puwesto na parang tsonggo bilang alkalde ng noo’y munisipyo ng San Juan.

Halos isang buwan din nagbarikada ang mga gagong bayaran ni Erap para hindi maipatupad ang pagtanggal sa kanya bilang alkalde ng San Juan, taong 1986, upang mailuklok ang itinalagang OIC-Mayor.

Pero nasubok ang pananaig ng rule of law nang magpasiya ang Malacañang na wakasan ang anarkiya na isang buwan itinanghal ni Erap at ng kanyang mga bayarang supporters sa munisipyo.

Nang dumating si noo’y Northern Police District Director (NPDC) director Gen. Alfredo S. Lim at ang puwersa ng pulisya ay nagmamada-ling tumakbo si Erap para magtago, iniwan ang kanyang mga binabayarang supporters.

Kung may pulis ngayon na tulad ni Mayor Lim, siguradong nakauwi na sa kani-kaniyang bahay si Jun-Jun at ang kanyang angkan na naglulungga sa city hall.

PROCLAMATION 143 ANOMALOUS

ISANG masugid nating tagasubaybay ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa hindi pa nabanggit na issue sa maanomalyang pag-upa ng PAG-IBIG Fund sa JELP Bldg. na pag-aari ng pamilya ni Erap.

Nakatayo ang JELP sa lupain na idineklarang special economic zone ni Pangulong Benigno Aquino III, alinsunod sa Proclamation 143 na nilagdaan noong Abril 6,2011.

Kung idineklara sa Proclamation 143 na ang ari-arian ni Erap ay isang information technology center, bakit pinaupa pa rin ang gusali sa Pag-ibig Fund na isang ahensiya ng pamahalaan at hindi naman sangkot sa information technology business?

Kabilang ba sa mga tinatamasang pribelehiyo ng ari-ariang ito ni Erap ang malaking kabawasan sa pagbabayad ng buwis bilang special economic zone?

Base sa Section 15 ng RA 7916, bawat ecozone ay dapat inorganisa, pinamamahalaan, at pinatatakbo ng ECOZONE Executive Committee at sa Section 18 naman ay ipinagbabawal na bigyan ng special privilege para makagamit ng area ang alinmang ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang government-owned and controlled corporation (GOCC).

Kung umuupa ang Pag-ibig Fund sa JELP Building at naglalakihan ang mga karatula sa gusali na ibinebenta ang condo units dito, ibig sabihin, real estate business ito at hindi information technology business kaya’t taliwas ito sa kanyang pagiging special economic zone.

Alam ito ni Executive Secretary Paquito “Pocket-to” Ochoa, law partner ni Atty. Edward Serapio na Secretary to the Mayor ni Erap sa Maynila.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

ni Percy Lapid

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *