Thursday , December 26 2024

Bakit ayaw umalis ni Yorme Junjun sa Makati?  

00 Bulabugin jerry yap jsyDESIDIDO ang mga Binay na huwag bitawan ang Makati City.

Ilalaban nila sa iba’t ibang paraan at proseso ang pananatili nila sa Makati.

Ganito ang ginagawa ngayon ng suspendidong si  Mayor Jejomar Erwin  “Junjun” Binay Jr.

Hindi ito nakapagtataka, dahil ganito ang kultura at sistema ng politika sa ating bansa .

Nagkaroon lang tayo ng batas na nagbabawal sa nepotismo sa burukrasya at kinokondena ang political dynasty sa buong sistema ng politika sa bansa pero sa totoo lang, pinapansin lang natin ito kung hindi na nagsisilbi sa interes ng bawat isa ang nakapuwesto.

Ang isyu ng nepotismo at political dynasty ay depende sa kung sino ang nakikinabang at kung sino ang naaapakan.

Pero sa kabuuang sistema kung nais natin nang maayos at matinong politika sa ating bansa, dapat talaga nating itakwil ang nepotismo sa burukrasya at political dynasty sa sistemang pampolitika ng ating bansa.

Ang ginagawang pagtatanggol ni Mayor Jejomar Erwin  “Junjun” Binay Jr., sa kanyang poder ay normal na reaksiyon dahil dito nakasalalay ang interes ng buong pamilya sa politika.

Kung tutuusin, nakabibilib ang galing noon ng kanilang tatay na si Vice President Jejomar “Jojo” Binay.

Binansagang Rambotito at Ulikba, sa positibo at negatibong kono-tasyon, pero pareho niyang ginamit ang dalawang bansag para isulong ang kanyang interes-politikal sa lungsod.

Ang Makati City na itinuturing na financial district ng bansa ay napamanuan ng isang ulikba?! At nakapagtatag ng dinastiya ng kanilang lahi?!

Sumumpa si Junjun na hindi siya aalis sa Makati dahil ang kanilang katuwiran, masama ang timing ng  kabila’t kanang upak at pagbibintang sa kanilang pamilya. Sa pananaw ng pamilya Binay, pamomolitika ang ultimong interes nang tila hindi nagpapahingang banat sa kanila komo itinuturing na malakas na contender sa presidential election sa 2016 ang kanyang ama na nakahanay sa oposisyon.

Sa ganang atin, pamomolitika man o hindi, ang layunin ng kabila’t kanang kasong inihahain sa mga Binay, iisa lang ang dapat nilang gawin, harapin ang publiko at mga kaukulang awtoridad para ipagtanggol o linisin ang kanilang pangalan.

Sabi nga, “silence means yes.”

Ang patuloy na pananahimik ng mga Binay sa mga bintang laban sa kanila, hindi man 100 porsiyentong tumpak ay tiyak na may tama.

Pero hindi rin dapat kalimutan ng administrasyon, sakali mang maibagsak nila si VP Binay bago ang 2016 elections, ay hindi mapupunta sa kanila ang pakinabang.

Welcome 2016 presidential election!

Ilegalista sa Plaza Miranda winalis ng MASA

PINANGUNAHAN ni Manila Action and Special Assignment (MASA) head, Chief Insp. Ber-nabe Irinco, Jr., ang pagsalakay sa iba’t ibang tindahan ng umano’y herbal medicine na pampalaglag sa paligid ng Plaza Miranda  na kinaroroonan ng Minore Basilica of Black Nazarene.

Nang mabalitaan natin ito, nakini-kinita ko ang isang eksena sa Biblia nang magalit si Jesus habang pinagtutumba ang iba’t ibang mesa na kinalalagyan ng iba’t ibang kalakal, kainan, inuman at sugalan sa sinabi niyang “Tahanan ng Ama.”

Pero dito sa Plaza Miranda, ang pinuruhan ng MASA ay mga vendor na nagbebenta ng iba’t ibang herbal medicines, pampalaglag, tawas, estampita, kandila etc. etc.

Pero ang ultimong layunin umano nito ay bulabugin ang mga nagtitinda ng Cytotec.

Ang Cytotec ay sinasabing gamot sa ulcer pero ginagamit umanong pampaagas ng sanggol.

Gaya ng iba pang talipapa o palengke, ang paligid ng Plaza Miranda ay kinilala dahil sa mga paninda at serbisyo na matatagpuan sa nasabing lugar gaya ng pampalaglag, panggamot sa balis at kulam.

Puwede rin magpadasal para sa mga patay, sa mga asawang nangangaliwa depende sa kulay ng kandila.

Kinilala na rin itong bilihan ng mga pekeng piniratang DVD at CD ng iba’t ibang pelikula at kanta.     

Ang lipon ng mga mangangalakal o vendor sa lugar na ito ay nabubuhay sa kanilang maghapong pagtitinda.

Alam nang lahat na walang binabayarang buwis ang mga vendor sa Plaza Miranda kaya naman sila ay napagsasamantalahan ng mga nasa awtoridad kabilang na ang mga pulis.

Open secret na ang illegal vendors ay kinakandili at pinoproteksiyonan ng mga pulis o iba pang law enforcers unit kapalit ng ‘tara.’

Gusto nating purihin ang ginawa nina Major Irinco pero ang tanong anong ginawa ng Plaza Miranda PCP habang ‘winawalis’ ng MASA ang nasabing area? Nganga?!

Umaasa tayo na ito ay tunay na paglilinis sa Plaza Miranda at hindi lang operation dagdag o taas ng tara.

Hinaing ng magsisibuyas

UMALMA ang mga magsisibuyas ng Bunga-bong, Nueva Ecija sa pahayag  Department of Agriculture (DA), sa pagyayabang nito na uma-ngat ang ani ng sibuyas. Tama ba?! 

Ang tanong umangat din ba ang pamumuhay ng mga nagtatanim nito sa ating bansa? AY SUS!

Wala naman umanong naitutulong o suportang ibinigay ang DA para sa kapakanan nila.

Bumagsak ang presyo ng sibuyas sa “farm gate” dahil dumagsa ang imported na sibuyas mula Tsina. 

Kaya kahit 8.00 PHP kada kilo ay pinapatulan na ng mga mananananim. Makabawi man lang sa kanilang puhunan.

Wala silang storage facilities na magamit dahil wala rin tulong na nagmula sa DA. Kung may mga storage facilities man ito ay mga pri-bado, at walanang espasyo para sa kanilang ani o produkto, dahil puno ng mga imported at/o smuggled na sibuyas at bawang. 

Ano pa nga ba?

Kaya’t ‘kagat sa patalim’ ang pagbebenta nila sa mababang presyo ng kanilang ani. Akala namin ay talagang tinutulungan ng DA ang mga magsasaka?

Kaliwa’t kanan na mga PRESS RELEASE ang ipinalalabas nila, kesyo nagpaabot sila ng tulong, namahagi ng farm equipment at nagtayo ng mga pasilidad, gumawa ng mga alternatibong solus-yon sa pagsasaka’t pagtatanim para umangat ang pamumuhay ng mga magsasaka.

Wa epek ang mga ito at hindi naramdaman ng mga magsasaka o baka puro kuwento lang talaga!

Hindi malaman ng mga magsisibuyas bakit itinuturo ng DA sa Customs ang problema at sila ang sinisisi. (Boy Sisi na rin pala sila). Samantala sila ang nagbigay ng permit noong Setyembre 2014 sa mga dambuhalang importer na magpasok ng sibuyas at bawang nakukunsumuhin para umano sa Christmas Season sa ating bansa. 

Kasabay din nito ang smuggle ng tone-toneladang sibuyas at bawang? Na sadyang pinapasok ngayon lang Enero at inimbak at isinabay sa paglabas sa merkado sa panahon ng anihan ng lokal na sibuyas. 

Nagtataka ang manananim na pag may PERMIT TO IMPORT na inilabas ang DA ay may smuggling ng parehong produkto? 

Talagang papatayin kaming mga nagtatanim ng sibuyas! 

Sa binhi pa lamang ng sibuyas ay ipinangu-ngutang na nila ng five-six sa nagpapatubuan at pangrantiya ang aanihin.

Pero dahil sa ginawa ng Department of Agriculture at Bureau of Customs, unti-unti nila dinadala sa hukay ang mga magsasaka!

Kaya ang score ng DA at Custom  lalo na sa mga nagtatanim ng sibuyas at bawang ay ZERO! 

Anong proseso ba talaga ang ginawa ng DA? 

May silbi ba talaga ang Customs sa pamumuno ni Sevilla para proteksyunan ang mga magsasaka lalot talamak ang smuggling ng sibuyas, bawang, carrots at iba pang produktong pang agrikultura? O baka naman may proteksiyon ang mga smuggler ng imported nasibuyas, bawang mulasa DA at Customs?

Tignan ninyo ang mga  cold storage sa Nueva Ecija, Navotas, Binondo punongpuno ng mga imported na sibuyas at bawang at nagkalat sa bangketa ng Divisoria.

– Archie Almeda

 Nakumbida kaya si SILG Mar Roxas sa bday celebration ni Gen. Rolly Nana?

KA JERRY, kagabi ho nagBDAY celebration si DD Gen. Nana sa Grand Opera hotel organized kuno ng MPD officers at station commanders. Bumaha ng mamahaling food at alak. Saan kaya nla kinuha ang malaking pera na ginastos dyan? Dami enkargado at bagman n may dalang sobre na nandun sir Jerry. Pati mga sipsip n unit chief. ‘Yan ba ang tuwid na daan sa MPD? Concerned MPD personell. +63918955 – – – –

Kernel Gran exempted sa… 

KA JERRY, ‘lam mo ba si kernel gran lang di nagbigay na station commander para sa regalong rolex kay DD Nana. Sobrang paborito daw kc ni DD si gran. +63918955 – – – –

Modernisasyon ng AFP nganga pa rin!?

 SIR YAP, kailan po ba magkakaroon ng modernisasyon ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas? Para masindak naman ang China at itigil na nila ang konstruksyon sa West Philippine Sea. Sinisira na nila ang mga natural na yaman ng ating bansa pero wala pa rin tayo ginagawa? Masyado kasi mabait ang mga Pilipino kaya lagi naaabuso. Teritoryo na natin ang usapan dito hahayaan na lang ba natin na China lang ang aangkin nito? Singlaki na nga daw ng Mall of Asia ang itinatayo na gusali ng mga intsik doon, aba malaking epekto iyon sa natural resources ng Pinas! Kailangan na ng makabagong kagamitan ang Air Force at Navy dahil hindi biro ang pagkamkam ng China sa West Philippine Sea! Claire Soriano, Pasig City.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *