Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trahedya sa Puso ng Isang Nagmamahal (Part 11)

00 trahedya pusoHABANG NAGSISIKAP SA MGA PANGARAP NAGING MAG-ON SINA CHEENA AT YOYONG

“Hindi ka makatulog?” usisa niya.

“Naparami ‘atang inom ko ng kape,” naikatuwairan ni Cheena.

“Baka naman masyado mong iniisip ang BF mo?” pananalakab niya sa dalaga.

“’Ala pa akong boyfriend, oy!” ang mabilis nitong pakli.

“Ow, talaga?” aniya, pumitlag sa puso ang tuwa.

“Pero may minamahal na ‘ko…” pag-amin ng kausap niya sa kabilang dulo ng telepono.

“Ang swerte naman nu’n…” biglang nanamlay ang boses niya. “Sino ba ‘yun lucky guy?”

“Secret…” pabungisngis na tawa ni Cheena.

“Bigyan mo naman ako ng clue…” hirit niya sa dalaga.

“Naku, ‘Yong… E, ‘di mabubuking mo ako…”

“Konting clue lang, Cheena… Sige na!”

“Sabihin mo muna… ‘I love you, Cheena’…”

“B-bakit?” maang niya sa pag-uusisa.

“Paano kitang sasagutin, e ‘di ka pa nga nagtatapat… Patay-patay ka!” hagikgik sa pagtatawa ni Cheena.

Namilog ang mga mata ni Yoyong.

“Ako ‘yung love mo?” halos mapalukso siya sa kagalakan.

Naging kasintahan ni Yoyong si Cheena. Pero parang napakalayo nila sa isa’t isa gayong magkaratig lang ang kanilang mga barangay. ‘Yun ay dahil sa kaabalahan niya sa paghahanapbuhay at pag-aaral. Ang da-laga naman ay sa walang kapagurang paghahanap ng trabaho sa abroad.

“Mas mahaba ang mga kalungkutan sa buhay ng tao kaysa kaligayahang nalalasap,” ang minsang naihinga ni Cheena kay Yoyong. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …