ni Sabrina Pascua
WALANG puwang para madapa ang San Miguel Beer na makakaengkwentro ng Rain Or Shine sa PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sa 4:15 pm opener, hangad ng Meralco na wakasan ang two-game losing skid sa pagkikita nila ng Barako Bull.
Ang Beermen, na galing sa 102-91 panalo kontra Barako Bull, ay nasa ika-11 puwesto sa record na 2-6. Kailangang maipanalo nila ang mga nattira nilang laro upang makaabot sa quarterfinals. Makakaharap pa nila ang Talk N Text at Globalport.
Ang Rain Or Shine ay may three-game winning streak at tabla para sa ikalawang puwesto kasama ng Meralco sa kartang 5-2. Galing sila sa sunud-sunod na panalo kontra Purefoods Star (78-71), Alaska Milk (00-89) at Barako Bull (103-91).
Makakalaban ni Arisona reid ng Beermen ang kanyang dating koponan sa unang pagkakataon. Katunggali niya ang mas matangkad na si Wayne Chism.
Inaasahang makapaglalaro na nang maayos ang higanteng si June Mar Fajardo matapos matapilok sa laban kontra Energy. Kasama ni Fajardo sina Arwind Santos, Marcio Lassiter, Chris Lutz at Alex Cabagnot.
Si Chism ay susuportahan nina Gabe Norwood, Paul Lee, Jeff Chan, Beau Belga at Ryan Arana,
Ang Meralco ay galing sa back-to-back na kabiguan buhat sa San Miguel Beer (102-86) at NLEX (89-76). Ang Barako Bull ay may 4-4 record at katabla ng NLEX, Barangay Ginebra at Globalport.
Ang Bolts ay pinamumunuan ng import na si Josh Davis na tinutulungan nina Gary David, Reynell Hugnatan, Cliff Hodge, Jared Dillinger at Mike Cortez.
Sumasandig naman ang Barako Bull sa seven-foot Nigerian import na si Solomon Alabi na tinutulungan nina Solomon Mercado, Chico Lanete, JC Intal, RR Garcia at Dave Marcelo.