Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pluma ginawa mula sa ‘miracle pine’ sa Japan

Kinalap ni Tracy Cabrera

031315 miracle pine pen

IBEBENTA ng luxury marque Montblanc ang kanilang pluma, o fountain pen, na ginawa mula sa ‘miracle pine’ tree na nakaligtas sa tree 2011 tsunami, sa halagang US$4,400.

Napaulat ito kasunod ng paghahanda ng Japan sa ika-4 na anibersaryo ng kalamidad na kumitil sa mahigit 19,000 buhay at nagresulta sa libo-libong pamilyang nawalan ng bahay matapos ang sakuna.

Naging sanhi rin ito ng worst atomic accident sa isang henerasyon, na nagpalisan ng libo-libo rin pa-milya mula sa kanilang mga tahanan, na ang karamihan ay nananatiling walang mga bahay at naninirahan lamang sa temporary housing.

Sa paglikha ng pluma, ginamit ng Swiss pen and watch maker ang kahoy ng nag-iisaang puno na nakaligtas nang madurog ang kagubutan ng 70,000 pu-nongkahoy sa Rikuzentakata. Ang binansagang ‘miracle pine’ ay natagpuan nakabu-wal at malapit nang mamatay kaya sumailalim sa 150 mil-yong yen (US$1.5 milyon) ng reinforcement para patayuin, para ituring na must-see spot para sa mga dumadalaw sa naturang lugar.

Nang putulin naman ang puno, hiniling ni Ma-yor Futoshi Toba sa Japanese unit ng Swiss company na gamitin ang salvaged wood para gumawa ng mga pluma na hindi magpapalimot sa sakunang naganap. Nakagawa na ang Montblanc ng 113 pluma na ibebenta sa Marso 11, ang petsa ng sakuna sa halagang 520,000 yen (US$4,400) bawat isa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …