ni Tracy Cabrera
SA kabila ng umuusbong na popularidad ng online dating, maaaring hindi ito ang natatanging pamamaraan para sa mga indibiduwal na naghahanap ng asawa o makapag-asawa, ayon sa mga researcher sa Michigan State University sa East Lansing, USA.
Ang mga researcher ay nagsagawa ng eksplorasyon kung paano makaaapekto at magiging mahalagang bahagi ang mga meeting venue ng mga magkarelasyon sa kahabaan o panahon ng kanilang pagsasama.
Sinuri sa pag-aaral ang mga may-asawa at magkarelasyon na hindi tumagal, na inilahok ang 4,002 mga kasagutan sa ilang espisipikong katanungan ukol sa nasabing paksa, at ang naging resulta ay nagbigay suhestiyon na ang online dating ay hindi humahantong sa pag-aasawa o pagpapakasal sa mga indibiduwal na gu-magamit nito.
Sa mga survey respondent, 2,923 ang may-asawa (64.18 porsyento) o nasa isang romantikong relasyon (35.8 porsyento) at tanging 280 lamang na magkarelasyon ang nagtagpo sa pamamagitan ng online da-ting.
Walong porsiyento ng mga magkarelasyon na nagtagpo sa online dating ang nagtala ng pagwawakas sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa pamamagitan ng separasyon o diborsyo habang dalawang porsiyento lang sa mga nagtagpo sa tradis-yonal na offline circumstances ang nagtala ng pagdidiborsyo at paghihiwalay.
Nagong konklusyon ng mga researcher na ang relationship quality, o kalidad ng relasyon, ang pinakamahalagang factor kung ang kasal o romantikong relas-yon ay tatagal.
“Nananatili ang time-tested qualities ng tiwala at intimacy bilang mahahalagang factor sa pagdetermina kung ang magkarelasyon ay mananatiling magkasama, alin man kung sila ay nagtagpo sa online dating o hindi,” punto ni Brenda K. Wiederhold, editor-in-chief ng journal Cyberpyschology, Behavior and Social Networking.
Para doon sa naghahanap o nagnanais na maka-date at ma-involve sa whirlwind romance, maaaring ang online dating ang ‘the best bet’ sa naitala ng mga researcher na 96.3 porsyento ng mga dating website user ang naging matagumpay sa pagbubuo ng relasyon gamit ito.