Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater tsugi na

 

00 SPORTS SHOCKEDSA ikalawang sunod na pagkakataon ay nabigo ang Blackwater Elite na makalampas sa elimination round matapos na matalo ito sa Alaska Milk, 82-68 noong Miyerkoles ng gabi.

Iyon ang ikapitong kabiguang nalasap ng Elite sa siyam na laro.

Kahit na mapanalunan pa nila ang nalalabi nilang dalawang games ay hindi na sila aabot pa sa quarterfinal round. Ayon kasi sa tournament format, ang huling apat na koponan matapos ang 11-game elimination round ay matsu-tsugi!

Well, masasabi naman bilang pakunsuwelo na mas maayos ang performance ng Blackwater ngayon kaysa noong nakaraang PhilippineCup.

Kasi nga, noong nakaraang conference ay nabokya sila’t hindi nakapagrehistro ng tagumpay sa 11 games.

At least, may dalawang panalo na sila ngayon.

Ang kauna-unahan nilang nabiktima bilang miyembro ng PBA ay ang San Miguel Beer. Ironically, ang Beermen ang nagkampeon sa nakaraang Philippine Cup.

Ang ikalawa nilang tinalo ay ang KIA Carnival.

Kumbaga’y nakabawi sila sa kapwa expansion team nila na tumalo sa kanila sa opening game ng season sa Philippine Arena noong Oktubre 19.

Siiyempre, ang katanungan ng lahat ay ito: Paano kung hindi nagtamo ng injury ang kanilang original choice para sa import na si Chris Charles, iang 7-0 two-time Best Import ng ASEAN Basketbal League?

Maaga kasing dumating sa bansa si Charles. Disyembre pa lang ay nandito na siya’t nakipag-ensayo na sa Elite.

Ang siste, bago nagsimula ang torneo ay nagtamo siya ng hamstring injury at kinailangang magpahinga.

Napilitan ang Blackwatewr na kunin ang Gilas Pilipinas naturalized center na si Marcus Douthit na mas maliit kaysa kay Charles.

Paano kung hindi na-injure si Charles? Naiba kaya ang kapalaran ng Blackwater?

ni Sabrina Pascua

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …