Monday , November 18 2024

BanKO wagi ng Global Mobile Award

Print

NAKOPO ng BPI Globe BanKO, ang unang mobilemicrosavings bank sa bansa at joint venture ng Globe Telecom at BPI, ang award para sa Best Use of Mobile in Emergency and Humanitarian Situations sa 20th Global Mobile Awards na ginanap sa Barcelona, Spain.

Nakipagtambalan sa global humanitarian organization Mercy Corps, ang emergency transfer program ng BanKO na tinawag na ‘TabangKO’ ay nagbigay-daan para direkta at mabilis na maipa-dala ang kinakailangang tulong pinansiyal sa 25,000 pamilya sa Haiyan-affected communities at islands sa Visayas. Mahigit sa P100 milyon tulong ang direktang naipadala sa BanKO accounts ng mga benepisyaryo.

Sa halip magkaloob ng paper vouchers o cash sa envelopes, ang Mercy Corps ay nakapagpadala ng cash transfers sa Haiyan survivors sa pamamagitan ng direkta, mabilis at ligtas na pamamaraan gamit ang mobile banking service ng BanKO. Ang mga benepisyaryo ay maaaring makakuha ng kinakai-langan nilang halaga sa kanilang accounts sa pagtungo sa alinmang 4,000 partner outlets ng BanKO.

“TabangKO, as a mobile platform for financial aid, delivers tremendous benefit for our people living in highly vulnerable communities to become more resilient in the face of climactic disasters and external shocks. The recognition from Global Mobile Awards serves as an affirmation of our efforts to deliver innovative banking solutions, capitali-zing on telecommunication and mobile technologies,” wika ni John Rubio, BPI Globe BanKO President & CEO.

Ang BanKO ay kumakatawan sa lumalawak na kalakaran ng branchless banking sa mga umuusbong na ekonomiya, na mas marami ang may mobile phones kaysa traditional bank accounts, at ang rural o island areas ay mas mahirap para sa traditional brick at mortar branch na mapuntahan. Ang mobile-based savings accounts ng BanKO ay karaniwang unang account para sa karamihan ng recipients na kailanman ay hindi pa nagkakaroon ng ligtas na paraan upang itago ang kanilang pera.

Ang agarang cash aid na ipinadala sa pamamagitan ng TabangKO ay nakatulong nang malaki sa mga survivor na kinailangang bumili ng mga gamit upang makapagsimulang kumita ulit tu-ngo sa pagbangon.

Ayon kay Rubio, nang magkaroon ng pagtaya na babayuhin ng bagyong Hagupit ang parehong mga lugar na sinalanta ni ‘Haiyan,’ ang BanKO at Mercy Corps ay nakapagpadala ng text messa-ges sa lahat ng 25,000 benepisyaryo, naihanda sila sa papara-ting na bagyo, at nabigyan sila ng libreng mobile airtime credits upang tulungan sila sa gipit na pagkakataon.

“This proves the power of mobile not only as a solution for financial inclusion but also as a disaster reduction mechanism, enabling people in vulnerable communities to make informed decisions to mitigate risks to life and property,” dagdag ni Rubio.

Kinikilala ang ‘excellence at achievement’ sa buong mobile world sa loob ng 20 taon ng ‘dynamic, game changing innovation at evolution’, ang GSMA Global Mobile Awards ay nagbibigay-pugay sa ‘most innovative mobile solutions at initiatives’ sa buong mundo.

“Our warmest congratulations to all the winners of the 20th Global Mobile Awards,” sabi ni John Hoffman, CEO ng GSMA Ltd. “Our winners are in the esteemed company of the mobile innovators, pioneers and leaders that have won these coveted awards over the last two decades, many of whom have been game-changers in transforming the way that the world communicates.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *