Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ATC palaban kahit baguhan — Santos

 

ni James Ty III

031315  ATC Livermarin PBA D league

KAHIT ngayon lang ito sasabak sa PBA D League, sinigurado ng head coach ng baguhang ATC Livermarin na si Rodney Santos na kaya nitong makipagsabayan sa mga mas malalakas na koponan sa pagsisimula ng Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang makakaharap ng ATC ang AMA Computer University sa unang laro ng torneo simula ala-una ng hapon.

Dating manlalaro si Santos ng San Sebastian College sa NCAA bago siya sumikat sa PBA bilang manlalaro ng Purefoods , Alaska , Barangay Ginebra at Coca-Cola.

Siya ang hahawak sa ATC dahil sa school tie-up nito sa SSC bilang paghahanda para sa darating na NCAA Season 91 na magsisimula sa Hunyo.

Kalahati sa magiging lineup ng ATC ay manggagaling sa Stags tulad nina Leo de Vera, Bradwyn Guinto, Jamil Ortuoste at Jovit de la Cruz habang makakasama rin sa lineup sina Joseph Ambohot at Vince Laude ng Lyceum at Choy Ignacio na dating taga-Tanduay Rhum.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …