Sunday , December 22 2024

Mambabatas desmayado sa naantalang BOI report

PNOY SAF 44DESMAYADO ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa madugong insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.

Nitong Lunes, humiling ng palugit si BOI head Benjamin Magalong sa pagsusumite ng report, at sinundan kinahapunan ng testimonya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa insidente sa pamamagitan ng isang mensahe sa prayer gathering sa Malacañang.

Ayon kay Senador JV Ejercito, inilagay ni Aquino sa alanganin ang BOI dahil sa “bad timing” na pahayag.

Habang nagtatagal, lalo aniyang nagdududa ang publiko na sinasala ang laman ng report.

Sinabi ni Sen. Bongbong Marcos na naghihintay sa report bago ipagpatuloy ang pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL), dahil sa hininging palugit ng BOI, hahaba pa ang paghihintay ng pamilya ng SAF 44 bago malaman ang katotohanan. Sana lang aniya, matupad na ng BOI ang pangako matapos ang palugit na tatlong araw.

Si Sen. Grace Poe ay nagtataka kung bakit nagbago ang isip ng BOI.

“Ano ang nalaman nila noong weekend na nagpalit ng kanilang isip?” kuwestyon ni Poe.

Maaari aniyang isama ng BOI sa report ang naging pahayag ni Aquino dahil walang ibinigay na testimonya ang pangulo sa investigating body.

Samantala sa Kamara, nagpahayag din ng pagkadesmaya si Gabriela Rep. Luz Ilagan.

Ang pagkaantala ng report aniya ang maaaring ikasira ng kredibilidad ng BOI. Hinala niya, kailangan nang dagdag na panahon ng BOI para burahin ang mga tatak ng pananagutan ni Aquino at ng Amerika sa Oplan Exodus.

Desmayado rin si House Ad Hoc Committee on the BBL Chairperson Rep. Rufus Rodriguez, at dahil aniya sa pagkaantala ay may bago na silang timeline.

Dapat managot sa Mamasapano ops ikanta na (Hamon ng Makabayan block kay Napeñas)

HINAMON ng Makabayan Bloc si dating SAF Commander Director Getulio Napeñas na ikanta na kung sino-sino ang dapat managot sa madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Udyok ng Makabayan Bloc, dapat nang ibunyag ni Napeñas kung ano talaga ang naging partisipasyon ng magkaibigang sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating PNP Chief Allan Purisima sa madugong operasyon  ng Special Action Force (SAF).

Paratang ng Makabayan Bloc, sinira ni Aquino ang ‘chain of command’ makaraang basbasan ang pagiging pakialamero ni Purisima sa “Oplan Exodus” kaya’t napatay ang 44 SAF troopers.

Hamon ng Makabayan block kay Napeñas, ‘wag siyang manatiling walang kibo sa imbestigasyon dahil nangangahulugan ito nang kawalang paggalang sa mga tauhan niyang namatay sa bayan.

Jethro Sinocruz

 

Palasyo iwas-pusoy sa isyung pagbali ni PNoy sa chain of command

IWAS-PUSOY pa rin ang Palasyo sa isyu nang paglabag sa chain of command ni Pangulong Benigno Aquino III nang payagan na sumawsaw sa Mamasapano operations si Director General Alan Purisima kahit suspendido ng Ombudsman.

Makaraan ang 45 araw mula nang mapatay ang 67 katao, kasama ang 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano operations, wala pa rin kategorikal na sagot ang Malacañang sa pagsuway ng Pangulo sa suspension order ng Ombudsman kay Purisima.

“I have noted your observation and I think other people are able to make similar observations. Sa tinagal-tagal naman nitong pagtatalakayan natin hinggil dito, ginawa na ng Pangulo ang kanyang dapat gawin nang naaayon sa kanyang pagtaya sa kanyang tungkulin,” tugon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nang usisain sa paglabag sa chain of command ni Pangulong Aquino.

Kung ano man aniya ang pananagutan ni Purisima sa pumalpak na operasyon ay tutukuyin sa BOI at Senate probe.

Ani Coloma, ibinunyag na sa publiko ng Pangulo ang lahat ng mga dapat maibunyag at naging makatotohanan aniya ang lahat ng paglalahad ng Punong Ehekutibo hinggil sa madugong insidente.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *