Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nag-amok sa bad haircut

031115 Scissors arrest

INARESTO ng US police ang isang lalaki na nagwasak ng hairdressing salon dahil hindi nagustuhan ang gupit sa kanyang buhok.

Ayon sa mga pulis, hindi nagustuhan ni Alan Becker, 47, ang pagkakagupit sa kanyang buhok sa Loft Salon and Spa sa Stamford, Connecticut.

At napikon siya nang singilin siya ng $50 (£32) para sa nasabing istilo ng gupit, ayon sa ulat ng local WFSB TV station.

Nagsimulang ihagis ni Becker ang mga gamit sa hairdressing salon nang mabatid kung magkano ang halaga ng gupit sa kanya.

Pinagtatadyakan din ni Becker ang dingding at pinagsalitaan ng masama ang mga empleyado at kustomer, ayon sa mga pulis.

Pagkaraan ay umalis si Becker ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik at iginiit sa stylist na ayusin ang kanyang buhok.

Tumanggi ang stylist at tumawag sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Becker sa kanyang bahay.

Siya ay kinasuhan ng ‘breach of the peace and criminal mischief’. (ORANGE QUIRKY NEWS)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …