Monday , December 30 2024

Feng Shui: Pasiglahin ang umaga

031115 sun sky morning

00 fengshuiPAGGISING mo ba sa umaga ay nasasabi mo ang katagang: “Salamat sa magandang umaga at salamat dahil buhay pa ako.” Kung katulad mo ang maraming mga tao, ang una mong maiisip ay ang paghahanap ng kape, o ikaw ay nakapagsasalita nang hindi mainam. Kung ganito ang nangyayari sa iyo, panahon na para sa pagbabago.

Hindi kailangan ang isang malaking pagbabago. Sundin lamang ang simpleng ritwal na ito, at tiyak na magiging maganda ang iyong bawat umaga – at ang iyong buhay.

*Magsimula sa healthy breakfast. Narinig mo na ang payong ito noon pa… sa pagkain ng almusal, napabibilis mo ang iyong metabolism, nakatutulong ito sa pananatiling stable ang blood sugar levels, at mapipigilan ka sa pag-over-eating. Ang mga ito ay pawang positibong bagay para sa kalusugan at pagbabawas ng timbang. Ayon din sa mga pagsasaliksik, nagiging mas matalino sa pag-aaral ang mga batang kumakain ng almusal.

*Humigop ng kape o tsa. Ang pag-iwas sa caffeine ay maaaring makatulong sa maraming bagay, ngunit kung hindi ka pa handa rito, e-enjoy muna ito sa iyong morning pick-me-up. Langhapin ang bango, pakiramdaman ang init ng tasa sa iyong kamay, at ituon ang iyong sandali sa iyong pag-inom nito. At pagkaraa’y maglaan ng ilang minuto sa pagpapasalamat para sa iyong nainom at e-enjoy ang sandali, at pag naubos na ang iyong kape, ilista sa iyong isipan ang lahat ng iba pang mga bagay na iyong nais ipagpasalamat para sa araw na ito.

*Kumustahin ang iba – at pakinggan ang kanilang tugon. “Good Morning.” “Kumusta.” Ito ang kadalasang bati natin sa iba ngunit wala tayong mababatid na ano man mula sa kanila. Sa halip, kung ikaw ay magtatanong – sa iyo mang kapitbahay, o mga tao na dumaraan, isagawa ito nang may damdamin. Banggitin ang kanilang pangalan, kung natural ito sa iyo. (Kung hindi naman, huwag na dahil baka mapagkamalan kang may ibibenta lamang.)

Tingnan sila sa kanilang mukha, pakinggan ang kanilang sagot, at unawain kung ano ang kanilang nais sabihin. Kung parang hindi mainam ang kanilang pakiramdam, sikaping mapagaan ito nang hindi lalabas na ikaw ay nakikialam. Ang compliment ay maaaring makagaan sa kanilang pakiramdam. Kung ang tao ay malapit sa iyo, mainam kung iimbitahin mo siya sa pag-inom ng kape o sa tanghalian. Maaaring buksan niya ang kanyang sarili kaugnay sakanyang problema, o tulungan na lamang na siya ay mapasaya kahit sandali lamang. Ang very human interaction na ito ay kapwa magpapabuti sa inyong pakiramdam.

 

ni Lady Choi

 

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *