MAY PROBLEMA SA KALSUGAN SI CHEENA KAYA HINDI NAKAPAG-ABROAD
Ikinalungkot niya ang balitang iyon. Pero ayaw niyang mabigo ang dalaga sa pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa. Gaya nang marami sa mga job seeker na Pinoy, naniniwala kasi siya na giginhawa ang pamilya sa pangingibang bayan.
“Good luck…” aniya sa mensaheng ipinadala kay Cheena.
Laging umaalis ng bahay ang dalaga na kanyang dinidiskartehan. Parang ibig na agad niyang ipagluksa ang napipinto nilang pagwawalay. Patindi nang patindi pa naman araw-araw ang pag-ibig na namamahay sa kanyang puso. First love nga kasi niya. At parang ‘di niya matatanggap na mawawala agad sa kanya ang minamahal.
Nangatok si Yoyong sa bahay nina Cheena isang araw ng Linggo. Nasa puso niya ang masidhing pananabik na masilayan ang dalagang iniibig. Ito ang nagbukas ng pintuan sa kanya. Pinapasok siya nito sa kabahayan.At karaka niyang napuna sa pag-haharap nilang dalawa ang nakarehistrong kalungkutan sa anyo ng babaing minamahal.
“B-bagsak ako sa physical examinations…” anitong makulimlim ang mukha.
“Ha?!” ang tanging naibulalas niya.
Napag-alaman niya sa dalaga na “low blood” at may problema rin ito sa baga. At naihinga nito sa kanya: “May pneumonia raw ako, sabi ng company doctor ng job placement agency.
Nakisimpatiya siya sa mapait na kapalaran ni Cheena. Pero ang mas inaalala pa nga niya ang kondisyon ng kalusugan nito. Tulad niya, kinakapos din siya pera. Magastos ang pagpapagamot at pagbili-bili ng mga gamot. Ibig na ibig niyang makapag-abot ng tulog sa dalaga pero walang-wala rin siya.
Sa lungsod, hindi pwede ang nakatu-nganga. Namamatay nang dilat sa gutom ang walang maipakain sa sarili. Isang araw ay nabalitaan na lamang ni Yoyong na nagtitinda si Cheena ng sigarilyo, kendi at diyaryo sa bangketa ng Blumentriit na ma-lapit sa LRT station. (Itutuloy)
ni Rey Atalia