Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Torre sumisipa sa Zone 3.3

ni ARABELA PRINCESS DAWA

031015 torre chess

NAKALUSOT si Asia’s first grandmaster Eugene Torre sa round two upang itarak ang panglawang sunod na panalo sa Zone 3.3 Zonal Championships 2015 Open sa Ho Chi Minh City, Vietnam kahapon.

Kinaldag ni 63-year old Torre si Ninh Thanh Vo (elo 231) ng Vietnam para makisalo sa five-way tie sa top spot.

May dalawang puntos din si Pinoy IM Haridas Pascua nang payukuin nito ang kababayang si GM Julio Catalino Sadorra matapos ang 89 moves ng Reti opening.

Kasama nina Torre (elo 2449) at Pascua (elo 2423) sa tuktok sina GM Bayarsaikhan Gundavaa (elo 2505) ng Mongolia at IMs Htun Zaw Wynn (elo 2382) ng Myanmar at Van Huy Nguyen (elo 2452) ng Vietnam.

Masusubukan muli ang tikas ni No. 16 seed Torre sa third round dahil makakalaban niya si ranked No. 7 Gundavaa habang katapat ni Pascua si super GM at seed No. 2 Nguyen Ngoc Truong Son (elo 2659) ng host country.

Nakapuwersa ng draw si Pinoy GM Richard Bitoon kay top seed Le Quang Liem (elo 2676) ng Vietnam matapos ang 75 sulungan ng Nimza-Indian.

May tig 1.5 puntos sina Bitoon at Le kung saan ay kasalo sila sa sixth to 17th place sa event na may nine rounds swiss system.

Nakipaghatian din ng Puntos si GM Darwin Laylo (elo 2499) kay FM Minh Tuan Le (elo 2393) ng Vietnam.

Samantala, nabigo sina GM Oliver Barbosa at ang batang si IM Paulo Bersamina kontra kina Wynn at Vietnamese FM Canh Huan Hoang (elo 2348) ayon sa pagkakasunod.

Makakalaban ni Laylo sa third round si FM Jingyao Tin (elo 2326) ng Singapore habang haharapin ni Bitoon si GM Anh Dung Nguyen (elo 2461) ng Vietnam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philippine Rowing Association 2026 PRA Indoor Meet

Local rowers nagpakitang-gilas sa 2026 PRA Indoor Meet

MAYNILA, Pilipinas — Matapos ang dalawang araw ng matinding kompetisyon, pinarangalan ng Philippine Rowing Association …

Joanie Delgaco rowing

Pag-unlad ng rowing sa Pilipinas Ikinagagalak ni Joanie Delgaco

MAYNILA, Filipinas — Ipinahayag ng kauna-unahang Filipinang Olympic rower na si Joanie Delgaco ang kanyang …

ACC Track Para Track Championships Tagaytay Velodrome Cycling

Big Guns Namayani sa Tagaytay, Pinoy Riders, Todo Kayod

TAGAYTAY CITY — Umani ng atensyon ang mga top cyclist sa Asia matapos rumatsada ang …

PABA Rodolfo Boy Tingzon TOPS

PABA at PSC, Magtatayo ng Baseball Center

MALAPIT nang maisakatuparan ang isang inaasam na  “field of dreams” para sa Philippine baseball. “If …

Shark Billiards Association SBA Next Hadley Mariano George

Kinabukasan ng Bilyar sa Pilipinas: SBA Next at Opisyal na Network ng Pool Hub

OPISYAL na inilunsad ng Sharks Billiards Association (SBA) ang SBA Next, isang liga para sa …