Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy muling sinisi si Napeñas sa Mamasapano ops (Sa prayer gathering)

PNOY SAF 44IMBES isumite ang kanyang salaysay sa Board of Inquiry ng Philippine National Police (PNP) na nagsisiyasat sa Mamasapano operations, sa harap ng kanyang mga kaalyadong religious groups ay nagpaliwanag si Pangulong Benigno Aquino III.

Inamin kahapon ni Police Director Benjamin Magalong na hanggang ngayon ay hinihintay pa nila ang panig ng commander in chief sa madugong insidente na ikinamatay ng 65 katao, kasama ang 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25.

Ngunit sa ginanap na prayer gathering sa Palasyo kahapon, naghugas-kamay muli si Pangulong Aquino sa madugong Mamasapano operations.

Muling sinisi ni Pangulong Aquino si dating SAF chief Director Getulio Napeñas sa palpak na operasyon dahil niloko raw siya at maraming “wishful thinking’ kaysa realidad.

“The truth is, I was given the wrong information. Maraming wishful thinking si Napeñas compared to reality. Malinaw na binola ako,” anang Pangulo.

“Kung ako ang may kasalanan dito, bakit di ko aakuin lahat?” dagdag niya.

Walang binanggit ang Pangulo hinggil sa naging papel ng kanyang kaibigan na si dating PNP chief Director General Alan Purisima sa Mamasapano operation, taliwas sa mga nauna niyang talumpati.

Binansagan pa ng Punong Ehekutibo na “kulang sa pansin (KSP)” ang mga kritiko ng Bangsamoro Basic Law, maraming reklamo kahit hindi pa nababasa ito at walang iniaalok na alternatibo at walang pakay na maayos.

Rose Novenario

Report ng Senado sa Mamasapano Probe ilalabas sa Marso 16

SA KABILA ng kabiguan ng Board of Inquiry na ilabas kahapon ang resulta ng kanilang imbestigasyon ukol sa operasyon Masasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Actio Force (PNP-SAF), desidido si Senadora Grace Poe na ilabas ang report ng kanilang komite sa Marso 16.

Ayon kay Poe, chairwoman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nagsagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon ‘in aid of legislation’ at sapat na ang mga testimonya ng mga testigo o resources person na dumalo sa pagdinig, at nakalap na mga dokumento.

Binigyang-linaw ni Poe, bago niya isumite sa plenaryo ang kanyang report ay titiyakin niyang nabasa na ito ng lahat ng mga miyembro ng komite.

Magugunitang inihayag ni Poe na hihintayin muna nila ang report ng BOI ngunit dahil hindi ito nailabas ay ilalabas na ng Senado ang sariling report bilang pagbibigay ng hustisya sa napatay na mga pulis sa nasabing insidente.

Niño Aclan

Mamasapano report ‘di naisumite ng BOI

WALANG naisumiteng report nitong Lunes ang Board of Inquiry (BOI) ukol sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo, tagapagsalita ng Philippine National Police, sinabi ni PNP-OIC Chief Leonardo Espina, humiling si PNP-CIDG Chief at BOI head Director Benjamin Magalong na bigyan sila ng panibagong palugit para tapusin ang report. 

Ito na ang ikalawang palugit na hiningi ng BOI na nag-iimbestiga sa insidente na ikinamatay ng 44 SAF commandos at 18 MILF members.

Noong Pebrero 26 nang unang inasahang mailalabas ang report hanggang sa naurong ito sa Marso 6. Ngunit noong Biyernes, sinabing nitong Lunes na ito isusumite.

Sa ngayon, walang itinakdang petsa kung kailan maisusumite ang report kay Espina.

Sinasabing isusumite rin ang report kay Pangulong Benigno Aquino III at sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na may kanya-kanyang imbestigasyon din sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …