Kinalap ni Tracy Cabrera
IISA ang ibinibigay na preskripsyon ng isang relationship therapy TV show para sa mga participating couples nito: Pumunta sa modular, windowless room onstage at magtalik habang hinihintay ng studio audience hanggang matapos sila.
At hindi nakakapagtakang umani ang ‘Sex Box’ ng negatibong atensiyon mula sa publiko.
Ayon sa Parents Television Council, One Million Moms at National Center on Sexual Exploitation, nakalikom sila ng mahigit 38,000 lagda para sa petisyong humihiling sa WE TV na ipatigil ang palatuntunan.
Ang ‘Sex Box’ ay adaptation ng isang British show na nakikipagtagpo ang tatlong therapist sa mga couple na may usapin o problema sa kanilang relasyon. Sa unang episode, nawalan ng interes sa sex ang isang babae matapos magkaanak. Sa kabilang dako, wala namang pakialam ang isang lalaki kung nag-o-orgasmo ang kanyang asawa o hindi.
Makaraan ang ilang diskusyonan, inalok ng therapist na si Chris Donaghue ang inaasahan ng show na magiging catchphrase nito: “Handa ka na bang pumasok sa sex box?” Saka papasok ang couple rito, na iilawan naman ng maiinit na pink spotlight habang okupado.
Ngunit gaano man nakakikiliti ang konsepto, wala rin naman talagang makikita. Walang naghuhubad sa harap ng publiko. Wala nga rin kahit yakapan sa mga participant. Paglitaw ng couple mula sa sex box, papasok din ang mga stagehand para tiyaking nasa ayos ang suot nilang silk pajama para walang kalaswaang makikita.
“Intimidating ang ideya ng sex sa loob ng box pero exciting din naman,” wika ni Chris Crom ng Poway, California, na kasama ang kanyang maybahay nang ma-feature sa debut ng palatuntunan.