Aries (April 18-May 13) Naabot mo ang milestone ngayon, at maaaring naising magpahinga sandali.
Taurus (May 13-June 21) Mainam ang araw ngayon para sa pag-iingat at pagsunod sa kagandahang-asal – sana’y maipatupad mo ang mga ito.
Gemini (June 21-July 20) Mainam ang sandali ngayon sa pagbubukas ng iyong sarili para sa oddball points of view – hindi mo batid kung kailan mo makikita ang katotohanang matagal mo nang hinahanap.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung mahirap pakisamahan ang mga bata o katrabaho, kailangan mong subukan ang medyo stone-cold logic sa kanila.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kung kailangang masinsinan kayong mag-usap ng iyong romantic or business partner, ngayon ang magandang pagkakataon, bagama’t maaaring hindi ka maging komportable sa proseso.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Halos lahat ng uri ng crazy ideas ay darating sa iyo – kaya panatilihing bukas ang isipan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong isipan ay nakasasagap ng bagong impormasyon, at dapat kang makasumpong ng bagong mga pamamaraan sa pag-enjoy ng buhay.
Scorpio (Nov. 23-29) Ramdam mong wala kang pahinga sa bahay ngayon, ngunit ang paglabas sa mundong ito ay hindi makatutulong.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring may makilala kang new love o new philosophical partner.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring hindi ka agad nila maunawaan, ngunit maaaaring kalaunan ay mamulat din sila. Maging positibo.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung hindi mo batid kung ano ang darating, tiyak na ikaw ay masosorpresa kapag dumating na ang mga ito.
Pisces (March 11-April 18) Ikaw ay may maliwanag na imahinasyon at madaling makaugnayan ang mga katrabaho
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Walang limitasyon ang iyong pagmamalasakit sa iba, at naipapahayag mo ito sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa mga taong may kapansanan
ni Lady Dee