ni James Ty III
NATUWA ang program founder ng National Basketball Training Center (NBTC) na si Eric Altamirano sa matagumpay na pagtatapos ng national finals nito noong Linggo ng hapon sa Meralco Gym sa Pasig.
Nagkampeon sa torneo ang Ateneo de Cebu pagkatapos na pataubin nito ang NCAA champion San Beda Red Cubs, 82-78.
Ito ang unang beses na nagkampeon ang isang paaralan mula sa labas ng Metro Manila mula pa noong 2012 nang isinama ang mga koponan ng NCR sa torneo.
Lalaro si Jaboneta sa UP Maroons pagkatapos na mag-graduate siya mula sa high school.
Malaking bagay ang pagkapilay ni Chami Diputado sa ikalawang quarter na naging dahilan upang mawalan ng diskarte ang San Beda.
Sa All-Star Game ng NBTC ay nanalo ang Red Team kontra White Team, 106-97, sa tulong ni Mike Nieto ng Ateneo na gumawa ng 16 puntos.
Hindi naglaro ang Eaglets sa NBTC kahit nagkampeon sila sa UAAP juniors dahil abala sila sa kanilang exams.
Lalaro ang magkambal na Mike at Matt Nieto sa Ateneo seniors ngayong UAAP Season 78 kasama sina Kiefer at Thirdy Ravena.