Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trahedya sa Puso ng Isang Nagmamahal (Part 7)

00 trahedya pusoSA HIRAP NG BUHAY NAGPAPLANONG MAG-ABROAD SI CHEENA

Pamaya-maya ay may lumabas ng bahay. Palapit ito sa kinatatayuan niya. Si Cheena! Nakilala agad siya nito.

“’Yong…” bati nito.”Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Ikaw talaga ang pinuntahan ko…” sagot ko.

“’Di kita ma-invite sa bahay namin… Naputulan kami ng kuryente, e,” pagsasabi ng tapat ng dalaga.

“Okey lang…” ang nasabi ko.

“Ano’ng sadya, ‘Yong?” tanong ng dalaga sa binata.

“W-wala naman, Cheena… Napadaan lang ako,” pagkakamot niya sa ulo.

Binigyan si Yoyong ng dalaga ng mauupuang mono bloc. Pinaupo siya roon upang maging komportable ang kanilang pag-uusap. Naupo rin sa isa pang plastik na upuan. At nakipagkwentohan sa kanya ang dalaga.

“Wala na ako sa dati kong trabaho, ha?” pag-aanunsiyo ni Cheena kay Yoyong.

“Ha?!… B-bakit?” pag-uusisa niya sa da-laga.

“Endo (end of contract) na ako…”ang malungkot na pagbabalita nito.

“Makahanap ka sana agad ng bagong employer…” alo niya.

“Sana nga, ‘Yong,” ang pagdadaop ng mga palad ng dalaga sa tila pananalangin.

Napagmasdang mabuti ni Yoyong sa malapitan si Cheena. Higit itong maganda sa paningin niya. Payat pero kaakit-akit ang kabuuang anyo nito. Dahil siguro tunay ang pagmamahal niya sa dalaga.

“Maaga ang lakad ko bukas sa pag-aaplay ng trabaho,” ang pahiwatig nito sa kanya sa maagang pagbaklas sa kanilang pagkukwentuhan.

“Ah, okey…” pagpapatianod niya. “Saan ka mag-aaplay?”

“Sa isang agency…” ang maagap na tugon ni Cheena.

Hindi alam ni Yoyong na sa abroad pala ang tinarget na trabahong ni Cheena. Dakong huli na lamang niya nalaman iyon.

“Malaki ang job opening sa Dubai… Matanggap sana ako du’n,” ang nilalaman ng text sa kanya ng dalaga. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …