Kinalap ni Tracy Cabrera
AYON sa world’s oldest person, o pinakamatandang nilalang, parang hindi mahabang panahon ang 117 taon binuhay niya sa ibabaw ng mundo.
Nagbigay ng ganitong komento si Misao Okawa, na anak ng isa kimono maker, sa pagdiwang na isinagawa isang araw bago ang kanyang ika-117 kaarawan. Suot ni Okawa ang isang pink na kimono na dinekorasyonan ng mga Cherry blossom print.
Isinilang siya sa Osaka noong Marso 5, 1898, kinilala siya bilang pinakamatandang nilalang ng Guinness World Records noong 2013.
“Parang maikling lang na panahon,” aniya nang tanungin ni Osaka government official Takehiro Ogura ukol sa mahabang pamumuhay niya ng 117 taon. Dinalhan siya ng malaking bouquet ng mga bulaklak ni Ogura.
Tumugon si Okawa, na may dekorasyon pang pink na daisy pin sa buhok, “masayang-masaya” ako sa edad kong ito.
Nang tanungin naman ukol sa likod ng mahaba niyang buhay, nakangiti siyang sumagot, “Nagtataka rin ako.”
Sa bansang Japan mata-tagpuan ang karamihan ng mga centenarian sa mundo, sa bilang na 58,000, ayon sapamahalaan. Mahigit sa 87 porsyento ay kababaihan.
Nakapag-asawa si Okawa kay Yukio noong 1919, at may tatlo silang supling—dalawang babae at isang lalaki. Sa ngayon, may apat siyang apo at anim na apo sa tuhod. Pumanaw ang kanyang asawa noong 1931.