Monday , November 18 2024

Pananaw ng mundo ng boksing sa labang Floyd-Manny

082714 floyd pacman

00 kurot alexMAINIT na pinag-uusapan sa mundo ng boksing ang tinaguriang Fight of the Century sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao sa May 2 sa MGM Grand.

Llamado sa unang sigwada sa mga oddsmakers si Mayweather. Pero sa huling balita ay unti-unting lumalapit ang odds ng dalawa.

Kinalap natin ang pananaw ng ilang personalidad na kilala sa boksing tungkol sa posibleng kalabasan ng laban ng dalawang gladiator ng modernong panahon.

Si Miguel Cotto, kampeon ngayon ng middleweight ay isa sa excited sa paghaharap ng dalawa. Pananaw niya, malaki ang panalo ni Pacman sa laban. Ang magiging plus factor daw ng Pinoy pug ay ang pagkakaroon ng magaling na trainer sa katauhan ni Freddie Roach.

”After working with Freddie I think Freddie is going to be huge in the fight,” pahayag ni Cotto. “I’m going for Manny.”

Si Marvin Hagler naman ay lumalagay sa gitna. Nagpahayag ito na gusto niyang mapanood ang laban at tinagurian niya itong “biggest fight in history” kahit sino pa ang manalo sa dalawa.

“Whether Pacquiao loses in the first round, whether he knocks out Mayweather in the first round, it’s still going to be the biggest fight in history,” pahayag ni Hagler.

Para naman kay Antonio Tarver, nakikita niyang ito na nga ang magiging pinakamahirap na laban ni Floyd sa kasaysayan ng kanyang boxing career.

“Listen man, I’m not gonna sit here and say this is not a dangerous fight for Floyd Mayweather — everybody knows this is a dangerous fight for Floyd, everyone knows that, especially Floyd Mayweather. He’s gonna have to go to the drawing board and come in at the best condition and I’m sure he’s gonna do that as he always has and I can’t go against perfect, the man has been perfect throughout his career.

“We’ve seen Pacquiao knocked out, but at the same time, he possesses the type of style and from a southpaw stance, we cannot lose sight of that. Pacquiao is a tremendous southpaw, something that Floyd Mayweather hasn’t seen a whole lot of, and Pacquiao is moving at light speed.

“I don’t think Pacquiao can match Floyd’s speed but I think he’s fast enough. I couldn’t match Roy Jones’ speed but I was fast enough to offset his speed. That being said, I think Pacquiao is gonna have some moments and you know he has a very powerful punch. I think Floyd wins a decision but if this fight doesn’t go the distance, you have to lean toward Pacquiao landing that shot within the distance,” pagtatapos ni Tarver.

 

ni Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *