Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nasa dream ang katropa  

00 PanaginipGud pm Señor H,

Share k lng drims 2ngkol s mga dati k tropa, plagi cla nasa drim k. Ano kaya ibig sabihin at nmi-miss k lng b cla o meron p iba meaning. Sna po m2lungan niyo ako.. Joey of Q.C tnx HATAW.

(09063414191)

To Joey,

Kapag nakita mo ang iyong mga kaibigan sa iyong bungang tulog, may kaugnayan ito sa aspeto ng iyong personalidad na hindi mo tinatanggap, ngunit handa ka namang kilalanin. Ang pakikipagrelasyon mo sa mga taong nakapaligid sa iyo ay mahalaga upang mas makilala mo pa ang iyong sarili. Alternatively, kapag nanaginip ka ng kaibigang mo, ito ay may kinalaman din sa positive news. Kapag childhood friend naman ang napanaginipan, may kaugnayan ito sa iyong mga nakaraan, lalo na noong bata ka pa na wala kang responsibilidad na inaalala o iniintindi. Maaaring senyales din ito na gusto mong takasan ang pressure at stress ng pagiging isang adult, sakaling adult ka na. Ikonsidera ang relasyon mo sa kaibigang napanaginipan at ang mga aral na natutunan sa inyong friendship. Posible rin naman na nami-miss mo lang ang iyong mga kaibigan kaya sila sumagi sa iyong panaginip. Kasama na rin dito ang mga bagay na lagi ninyong ginagawa, pinupuntahan, paboritong kinakain, o mga katulad na bagay.

Maaari rin naman na nalulungkot ka at kailangan mo ng karamay o kaya naman ay may problem ka. Lalo na kung ang mga katropa mo ay lagi mong nakakasama dati kapag may mga problema kayo. Señor H

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …