Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMDA constable inutas sa inoman  

112514 deadPATAY ang isang constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraan pagbabarilin habang nakikipag-inoman sa kanyang mga kapitbahay sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Alvin Marcos y Caparas, nasa hustong gulang, at nakatira sa Blk. 09 Lot 22, Mangga-II, Centennial 1 ng lungsod.

Habang arestado ang suspek na si Urpe Tadia, 36, merchandizer, ng Blk. 10, Lot 2, Visayas St., Mangga-II sa nabanggit na lugar.

Ayon kay SPO1 Jose Ronnie Geronimo, dakong 4:30 p.m. kamakalawa nang maganap ang pamamaril sa Tupas St., Centennial 1, Brgy. Pinagbuhatan, ng lungsod.

Napag-alaman, nakikipag-inoman ang biktima sa suspek at iba pang mga kapitbahay nang magkaasaran ang dalawa.

Pagkaraan ay biglang bumunot ng baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …