Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May kapayapaan nga ba sa Mindanao?

USAPING BAYAN LogoHINDI ko alam sino ang mga negosyador na bumuo ng Bangsamoro Basic Law at kung pinag-isipan nila ang laman nito kasi nang binasa kong mabuti ang BBL ay hindi ko mapigilang maisip na ibinenta niyon ang Filipinas sa Moro Islamic Liberation Front. May palagay akong may ilusyon ang mga negosyador ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao kung aamuin ang MILF.

Hindi sila nadala sa aral na hatid ng pakikipag-usap ng pamahalaan noon sa Moro National Liberation Front. Nanganak ang MNLF ng MILF at ang MI naman ay nanganak ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nanganak naman ng Justice for Islam Movement (JIM). Ngayon kailan naman natin kakausapin ang BIFF at JIM?

Wala pa sa listahan ng mga anak-anak ang Abu Sayyaf Group at may narinig pa akong Khalifa Islamiya Mindanao (KIM) na ISIS inspired. Huwag din natin kalilimutan na nariyan pa ang sandamak-mak na private armies at New People’s Army.

Ngayon bakit ko nasabing ibinenta ng mga negosyador ang Filipinas sa MI kasi bukod sa pinalaki ang teritoryong sasakupin ng grupong ito ay bibigyan pa sila ng P75 bilyon para itayo ang kanilang sub-state o estado na iba, ngunit nasa loob ng estado ng Republika ng Pilipinas. Sa madaling salita popondohan natin ang pagbiyak sa ating republika. Iginisa tayo sa ating sariling mantika ng mga negosyador ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino.

Sa kasalukuyang siste, may awtonomiya ang Basilan, Lanao, Sulu, Maguindanao at Tawi-tawi. Pumapaloob ang mga probinsyang ito sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Pero sa kaayusang inayunan ng mga mga negosyador ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino ay madaragdagan ang teritoryo na kokontrolin ng MI. Bukod sa teritoryo ng ARMM ay mapapasama na sa MI controlled areas ang lungsod ng Cotabato at Isabela, mga munisipyo ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit Midsayap, Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangkal.

Binigyan rin sila ng sariling dagat. Bukod pa riyan ay maaaring isama ng MI ang mga lugar na katabi ng kanilang nakuha mula sa republika kung “may petisyon raw ang 10 porsyento ng mga naninirahan roon.”

Bukod sa lupain ay magkakaroon ng sariling pamahalaan ang MI at parliamentaryo na malayong- malayo sa ating republikanong setup. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sinasabing unconstitutional ang BBL. Bibigyan pa ng sariling COA, COMELEC, Hudikatura at pulisya ang MI na hindi maaaring pakialaman ng ating lehitimong pamahalaan. S

ila na rin ang magpapatakbo ng kanilang ekonomiya pero tayo ang magpopondo sa kanila. Haaaayyyy naku…

Maraming kapalpakan sa ARMM pero maaaring remedyohan ito. Bakit hindi na lamang ayusin ang ARMM at hikayatin ang MI at ibang grupo na makisangkot dito imbes bumuo ng ibang bansa mula sa Mindanao. Iyan tiyak kong mawawala na ang gulo sa lupang ipinangako. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sotto, Ping, ‘bastonero’ ng Palasyo sa impeachment ni Sara

SIPATni Mat Vicencio NGAYON pa lang, marami ang nagsasabing ‘guilty verdict’ ang inaaasahang resulta ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

KyumterPH, boses ng konsyumer at komyuter

AKSYON AGADni Almar Danguilan KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong …

Firing Line Robert Roque

OA sa Senado

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NITONG nakaraang weekend, paulit-ulit na lumilitaw sa aking social …

Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga …