Monday , November 18 2024

Taxi flag-down rate binawasan boundary ganoon pa rin?

taxiHINDI natin alam kung inuuto tayo ng gobyerno o gumagawa ng away o paghahati sa hanay ng taxi drivers kontra pasahero.

Ang pagbabawas ng flag-down rate na posibleng abutin ng P170 hanggang P200 kabawasan sa kita ng driver na pumapasada sa loob ng 12 oras at P350 hanggang P500 naman sa mga driver na pumapasada ng 24 oras ay tiyak na lilikha ng argumento sa pagitan ng driver at pasahero.

Ayon sa mga taxi driver na nakausap natin, ang pagbabawas ng P10 sa umiiral na flag-down rate na P40 ay hindi makatutulong sa kahit kaninong sektor.

Una, hindi umano ito kabawasan sa taxi-riders. Kasi ang mga taxi riders, marunong umanong magbigay ng tip.

Ang tiyak, mapapa-argumento sila sa mga pasaherong sumakay sa taxi dahil sa matinding pangangailangan, gaya ng emergency cases, may hinahabol na oras, may susunduin sa airport, hindi alam ang lugar na pupuntahan kaya magbabakasakaling maituro sila ng taxi driver.

Kumbaga, bawasan man ang  flag-down rate hindi ito mararamdaman ng batayang masa o kahit ng mga taxi rider.

Anila, mas dapat umano na ginawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay ipinatawag ang mga operator  lalo na ‘yug malalaking kompanya ng taxi para nagkaroon ng dialogue — na ang pangunahing agenda ay pagbabawas sa umiiral na boundary.

Ang kasalukuyang boundary ay umaabot sa P1,500 hanggang P1,900 sa 24 oras at P750 o P800 sa 12-oras.

Ito umano ang dapat bawasan, para lumaki naman ang kita ng mga taxi driver.

Kahit na raw kasi anong baba ng presyo ng gasolina o krudo kung hindi naman bumababa ang ‘boundary’ ng taxi drivers, hindi rin mararamdaman ang pagbabawas sa presyo ng flag-down rate.

Sa halip, mababawas lang ito sa potensiyal na kita ng taxi drivers.

What the fact?!

Oo nga naman!

Bakit nga ‘yung taxi driver ang pahihirapan?! Sila ang kumakayod sa buong maghapon para ipaghanapbuhay ang mga operator kaya kung ano ang matira ‘yun lang ang kita nila.

Paging LTFRB! Boundary ang bawasan, hindi ang flag-down rate!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *