Thursday , December 26 2024

Taxi flag-down rate binawasan boundary ganoon pa rin?

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin alam kung inuuto tayo ng gobyerno o gumagawa ng away o paghahati sa hanay ng taxi drivers kontra pasahero.

Ang pagbabawas ng flag-down rate na posibleng abutin ng P170 hanggang P200 kabawasan sa kita ng driver na pumapasada sa loob ng 12 oras at P350 hanggang P500 naman sa mga driver na pumapasada ng 24 oras ay tiyak na lilikha ng argumento sa pagitan ng driver at pasahero.

Ayon sa mga taxi driver na nakausap natin, ang pagbabawas ng P10 sa umiiral na flag-down rate na P40 ay hindi makatutulong sa kahit kaninong sektor.

Una, hindi umano ito kabawasan sa taxi-riders. Kasi ang mga taxi riders, marunong umanong magbigay ng tip.

Ang tiyak, mapapa-argumento sila sa mga pasaherong sumakay sa taxi dahil sa matinding pangangailangan, gaya ng emergency cases, may hinahabol na oras, may susunduin sa airport, hindi alam ang lugar na pupuntahan kaya magbabakasakaling maituro sila ng taxi driver.

Kumbaga, bawasan man ang  flag-down rate hindi ito mararamdaman ng batayang masa o kahit ng mga taxi rider.

Anila, mas dapat umano na ginawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay ipinatawag ang mga operator  lalo na ‘yug malalaking kompanya ng taxi para nagkaroon ng dialogue — na ang pangunahing agenda ay pagbabawas sa umiiral na boundary.

Ang kasalukuyang boundary ay umaabot sa P1,500 hanggang P1,900 sa 24 oras at P750 o P800 sa 12-oras.

Ito umano ang dapat bawasan, para lumaki naman ang kita ng mga taxi driver.

Kahit na raw kasi anong baba ng presyo ng gasolina o krudo kung hindi naman bumababa ang ‘boundary’ ng taxi drivers, hindi rin mararamdaman ang pagbabawas sa presyo ng flag-down rate.

Sa halip, mababawas lang ito sa potensiyal na kita ng taxi drivers.

What the fact?!

Oo nga naman!

Bakit nga ‘yung taxi driver ang pahihirapan?! Sila ang kumakayod sa buong maghapon para ipaghanapbuhay ang mga operator kaya kung ano ang matira ‘yun lang ang kita nila.

Paging LTFRB! Boundary ang bawasan, hindi ang flag-down rate!

2 pulis ni S/Insp. Bunayog kotong sa UP P. Gil vendors

SIR report q lan 2 pulis ni Kap. Bunayog hinihingian kami ng tag-50 pesos bawat vendor d2 sa U.P. P.GIL naka-jacket po cla kya d mabasa un mga pangalan nila kht 9pm na ng gabi kapal ng mukha ng 2 pulis na to pang gabi. Don’t publish my no* #+63949363 – – – –

Shabu sa Bocaue dapat sugpuin na

LAGI ko po itong kahilingan sa mga kinauukulan na nakasasakop sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan na matagal ng kilalang-kilala at hanggang ngayon ay namamayagpag ang mga tulak ng ipinagbabawal na droga rito. Tila ba kendi na lang kung ibenta nila sa mga parokyano nila na nagmumula pa sa karatig-bayan ng Balagtas at Marilao, Bulacan. Hindi ko po malaman kung manhid ba o tila ba nagbubulag-bulagan ang barangay officials na nasasakupan ni Kapitan Jack Pascual, ultimo mga menor de edad ay nagbebenta ng droga na lantaran na nagmumula kay Don Ramon at alias Boy Toothpick. Hindi po mawala ang aking pagdududa kung may proteksyon ba itong operasyon nian Don Ramon sa mga pulis, kay Bocaue PNP P/Supt. Nathaniel Villegas at maging kay Mayor Jon-Jon Villanueva, na malayang naisasagawa ang proliperasyon ng illegal at talamak na bentahan ng shabu. Kaya’t muli po akong nananawagan sa mga opisyal na nabanggit at kay PDEA Dir. General Undersecretary Arturo Cacdac na gumawa ng kaukulang hakbang para sa agarang ikadarakip para na rin maputol na ang kanilang illegal na gawain, maraming salamat po.

   – Concerned Citizen #+63932300 – – – –

Capitol Park II ng V.V. Soliven Realty Developer binahayan ng mga ‘jumpers’

MUKHANG patay n lukan ang V.V. Realty Developer. Matagal na po kaming nananawagan  na palayasin ag mga jumper ng koryente at tubig sa loob ng Capitol Park II, dito sa Caloocan North halos katabi lang ng Amparo Subdivision pero tila wala silang naririnig. Pinagkitaan lang kami ng V.V. Soliven pagkatapos nilayasan na kami. Kailan kaya matitigil ang pagnanakaw ng kuryente sa Meralco at tubig sa Maynilad dito. Natatakot kami na pagsimulan ito ng sunog. Meralco umaksiyon kayo! #+63910176 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *