Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senglot namugot 1 pa sugatan (Sinapian ng masamang espirito)

 FRONTNAPAAGA ang kamatayan  ng isang lalaki makaraan siyang pugutan ng kanyang kainoman na sinasabing sinapian ng masamang espirito kamakalawa ng gabi sa Meycauayan City.

Kinilala ang pinugutan na si Ronald Frago, 42, welder, habang inoobserbahan sa Bulacan Medical Center  ang malubhang nasugatan na si Jerry Ruiz, 47, tricycle driver, kapwa nakatira sa Brgy. Longos, sa naturang lungsod. 

Agad nasakote ang suspek na si Danilo Jimenez, 34, ng Col. Castro Street, malapit lamang sa tirahan ng mga biktima.

Batay sa ulat mula sa Meycauayan City Police, nabatid na nakikipag-inoman ang mga biktima sa bakuran ng suspek kasama ang iba pang mga kaibigan.

Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok sa kanyang bahay ang suspek at nang bumalik ay may hawak nang samurai at pinugutan ang biktima na noon ay nakatulog sa mesa dahil sa matinding kalasingan.

Tangkang awatin ni Ruiz ang suspek ngunit maging siya ay hinataw ng taga ng samurai ng salarin.

Pagkaraan ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit nasakote ng nagrespondeng mga awtoridad.

8 estudyante sinaniban ng bad spirit (Sa Cebu City)

CEBU CITY – Ikinababahala ng pamunuan ng Sugtunggan Night National High School Brgy. Basak Lungsod ng Lapu-Lapu lalawigan ng Cebu, ang sinasabing pagsanib sa walong estudyante ng masamang espirito simula nitong Lunes hanggang Huwebes.

Ang walong biktima ay kinabibilangan ng first year at second year high school students.

Ayon kay Gilbert Ereguela, isa sa mga guro ng mga biktima, ‘alarming’ na ang mga kababalaghang nangyayari sa nasabing paaralan.

Tuwing sasapit aniya ang 8:30 p.m. ay may higit sa isang estudyante ang napo-possess sa kalagitnaan ng kanilang klase gaya nang nangyari kamakalawa ng gabi at sa nakaraang mga gabi.

Dagdag ni Ginoong Ereguela, sa nakalipas na mga pangyayari ay kaya pa nilang daanin sa dasal ang bagsik ng masamang espirito, ngunit kamakalawa ng gabi ay kahit anim na tanod sa isang estudyante ay nahihirapan nang kontrolin ang lakas ng biktima.

Sumisigaw aniya ang mga biktima ng katagang “Sinira ninyo ang aming tahanan at walang panginoon!”

Kaugnay nito, sinabi ng mga kaklase na maaaring dahil ang insidente sa pinutol na puno ng Gmilena at bagong bukas na balon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …