Thursday , December 26 2024

Santiago: Ibasura ang BBL

00 bullseye batuigasHINIMOK ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang gobyerno noong Huwebes na ibasura ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at magsimula ng panibagong negosasyon upang maiwasto ang mga kapalpakan nito.

Naniniwala si Santiago na dapat ay hiningi raw muna ni Pres. Noynoy Aquino ang pahintulot ng Senado upang payagan ang gobyerno na makipagnegosasyon para sa paglikha ng “substate” para sa mga mamamayang Bangsamoro, na hangarin daw ng BBL.

Ni hindi pa nga raw alam kung papayagan ng Senado ang Pangulo na makipagnegosasyon para sa hiwalay na “form of government.”

Palaisipan din kung sino ang nagbigay ng awtorisasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) bilang kinatawan ng mga Bangsamoro para makipagnegosasyon sa gobyerno.

Alalahanin na sandamakmak na rebeldeng grupo ang namamayagpag sa pamemerhuwisyo sa Mindanao at paglaban sa gobyerno bukod sa MILF, na kinamumuhian ng mga taga-Mindanao. Nariyan ang Moro National Liberation Front (MNLF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf at iba pa.

Mabuti at ipinunto ni Santiago na dating nagsilbing hukom at nakauunawa talaga sa batas. Minamadali na maipasa ang BBL sa Hunyo, kahit nagliliyab sa galit ang sambayanan sa kawalanghiyaang ginawa ng mga damuhong MILF, na katulong ang BIFF, sa pagmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ang tanging makikinabang sa BBL ay damuhong MILF na nais bigyan ng gobyerno ng malawak na kapangyarihan at pondohan ng P75 bilyon. Natural na papalag ang ibang grupo.

Ang gusto ng MILF ay magkaroon ng sariling gobyerno, sistema ng hustisya, pulisya at marami pang iba, pati na sa pag-audit sa bilyones na ipagkakaloob sa kanila.

Hindi ba malaking kagaguhan ito? Sa halip na itapon ang P75 bilyon nang hindi alam kung paano ito gagamitin at sino ang makikinabang, mabuti pang gamitin ito sa pagde-develop ng ating Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tulad ng tinalakay natin sa kolum, naniniwala rin si Santiago na kahit maaprubahan ang BBL ay magpapatuloy ang digmaan sa Mindanao dahil walang tunay na kinatawan ang mga mamamayan sa naganap na kasunduan.

Alalahanin na bukod sa mamamayang Bangsamoro ay marami rin Kristiyano na naninirahan sa Mindanao, na salungat din sa MILF at pati na sa BBL. Ngayon pa nga lang ay may mga Kristiyano nang nagsasabing handa silang makipagsagupa sa MILF. Paano mo aasahang magkakaroon ng kapayapaan sa ganitong sitwasyon, mga mare at pare ko?

Manmanan!

***

PUNA: “Magandang umaga po, sir Ruther. Pakisabi po kay kabayan at dating bise presidente Noli de Castro na huwag masyadong matabil ang bunganga niya sa pagbanat sa administrasyon ni Aquino! Dahil noon naging tuta siya ni PGMA at dapat isa sa mga kinasuhan dahil sa panloloko ng Globe Asiatique. Salamat po.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

 

ni Ruther D. Batuigas

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *