Monday , December 23 2024

Hatton: Pahihirapan ni Pacman si Mayweather

Kinalap ni Tracy Cabrera

030715 hatton pacman floyd

AYON kay Ricky Hatton, isa sa limang boksingerong parehong nakalaban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., may maliit na kalamangan ang Amerikanong kampeon ngunit maaari rin siyang mahirapan sa Pambansang Kamao.

“Mahusay na boksingero si Manny pero kapag naalala kung paano siya nahirapan sa counter-punching style ni Dinamita (Juan Manuel Marquez), maaa-ring magkaproblema siya kay Floyd,” pahayag ni Hatton sa panayam ni Tom Gray ng RingTV.

”Makakukuha rin naman si Manny ng lakas ng loob at kompiyansa kung paano nagawa ni Marcos Maidana na subukan si Floyd at maki-pagbugbugan sa kanya. Dahil d’yan, ibinibigay ko kay Manny ang malaking tsansa sa laban dahil bumagal na rin si Mayweather.”

Natalo si Hatton kay Mayweather noong 2007 via technical knockout sa ika-10 round. Kasunod nito’y natalo rin siya sa second round knockout kontra kay Pac-quiao. Bukod kay Hatton, parehong nakaharap nina Mayweather at Pacquiao sina Marquez, Shane Mosley, Miguel Cotto at Oscar De La Hoya.

“Sa tingin ko kailangang pasukin ni Manny ang depensa ni Mayweather at sayawan ito para manalo, gaya ng ginawa niyang estilo nang makaharap niya si Oscar De La Hoya. Hindi magiging epektibo rito ang shoulder roll defense ni Floyd at para mapalabas din siya sa kanyang comfort zone,” punto ni Hatton.

“Ang huling pagkakataon na napilitan si Floyd na makipagsabayan laban sa mabilis na kalaban ay noong nakasagupa niya si Zab Judah (noong 2006) at nahirapan siya sa simula. Isipin n’yo si Manny na nagsasayaw, papasok tapos la-labas, kaharap si Floyd na panay ang habol sa kanya gamit ang shoulder roll. Talagang mahihirapan siya kay Manny.”

Gayon pa man, sinabi pa rin ng British champ na lamang pa rin si Mayweather sa kanilang mega-fight sa Las Vegas Mayo 2.

“Laging nakahahanap ng paraan si Floyd para magwagi, kahit sa anong estilo, at iyan ang dahilan kung bakit nasabi kong slight favorite siya kay Manny,” pagtatapos ni Hatton.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *