Kinalap ni Tracy Cabrera
MASALIMUOT man—kung paminsan-minsan—ang kanyang pakikipagkaibigan kay Floyd Mayweather Jr., inihayag ng sikat na rapper na si 50 Cent sa isang radio interview na kung ano mang hindi pagkakaunawaan mayroon sila, ito’y “water under the bridge.”
Sa katunayan, tunay ang pagmamahal ng rapper sa kanyang kaibigan kaya plano niyang pumusta para kay Maywea-ther ng US$1.6 mil-yon sa Money May bilang pagpapakita sa kanyang paniniwalang tatalunin ng undefeated American champion ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa paghaharap ng dalawa sa nalalapit na Mayo 2.
“It’s an oddly specific bet, but one he’s clearly thought a lot about,” punto ng source.
At ang dahilan sa likod ng pusta?
Ayon kay 50 Cent, nakita niya kung gaano ka-focused ngayon ‘ang kampeon’ (Mayweather).
“I can’t imagine him slipping when the big day comes,” aniya.
Nakasasabik malaman kung saan magdiriwang si 50 Cent sakaling magwagi nga si Mayweather?
Our advice: tiyak na babaha ng alak at pagkain kaya abangan mga pards dahil baka ‘di makadalo!