To Señor H,
Sa panagip ko, nagpunta ako sa ilog, tas daw ay may nakita akong face doon, parang salamin na may reflection ‘yung ilog at mukha nga yung nakita ko. Iyon na po ‘yun, ano kaya ibg sabihin nito? Plz po, dnt post my cp #, kol me Kent00lp, salamuch po…
To Kent00lp,
Ang ilog na malinaw at payapa ay nagsasaad na pinababayaan mo ang iyong buhay na walang direksiyon at ikaw ay nagpapadala lang sa agos nito. Ang nangangalit na ilog naman ay nangangahulugan na wala kang kontrol sa iyong buhay, samantalang kung maputik ito, ang katumbas ay kaguluhan, pagsubok, at selos. Kung naliligo ka naman sa ilog, ito’y nangangahulugan ng purification at cleansing. Alalayan ang sarili na huwag madala ng sobrang tensiyon na dinaranas o daranasin pa. Matutong mag-relax at maglibang, dapat din na maging handa at kalmado sa pagdating ng mga suliranin. Linisin ang isip sa mga negatibong bagay at makabubuting i-focus ang isipan at atensiyon sa mga bagay na positibo, productive, at magbibigay sa iyo ng kasiyahan at satisfaction.
Ang face o mukha sa panaginip ay may kaugnayan sa persona o pagkatao mo na ipinakikita mo sa buong mundo, na taliwas naman talaga sa tunay na ikaw. Maaaring may kaugnayan ito sa kung paano mo hinaharap ang mga pagsubok at suliranin sa buhay. Maaaring nagsasaad din ito na itinatago mo ang iyong tunay na damdamin o kaya naman ay hindi mo talaga ito ipinapahayag o inilalabas.
Señor H.