Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Notoryus na kidnaper arestado sa Quezon

NAGA CITY – Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa pinaka-notoryus na kidnapper sa bansa makaraan ang operasyon ng mga pulis sa Brgy. Domoit, Lucena City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Resty Branzuela, 30-anyos. Kasama sa inaresto ang misis ng suspek na si Andrea Licay Branzuela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na lider ang suspek ng GA-GA gang na sangkot sa mga carnapping at pagnanakaw sa Metro Manila at maging sa kalapit na mga probinsya.

Napag-alaman din na may mga warrant of arrest na ang suspek kaugnay sa kidnapping for ransom na ipinalabas ni Hon. Judge Ma. Rita Sarabia ng RTC Branch 99.

Sinasabing number 4 most wanted person ang suspek sa National Capital Region at number 3 most wanted sa buong bansa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Lucena Municipal Police Station ang suspek.

R. Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …