Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Never Cease simpleng ehersisyo lang

00 rektaSimpleng ehersisyo lang ang ginawang pagdadala ni jockey Unoh Hernandez sa kabayo ni butihing Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr. na si Never Cease nitong nagdaang Martes sa pista ng SLLP.

Sa alisan pa lang ay hindi na pinaporma pa ni Unoh na mauna ang ilang kalaban niya na may angking tulin sa lundagan, kaya naman naging hirap sila kahit na makadikit man lang.

Pagsungaw sa rektahan ay tuluyan pang lumayo si Never Cease ng may mga sampung kabayong agwat. Naorasan ang nasabing takbuhan ng 1:28.6 (13-23’-25-27) para sa distansiyang 1,400 meters na marami pang ibubuga.

Sa pagkakataong ito ay nais kong pasalamatan ang mga nauna ng bumati sa akin para sa aking kaarawan sa Sabado (Marso 07), gayon din sa mga babati pa. Binabati ko rin ng maligayang kaarawan sina trainer Dave Dela Cruz, partner Ira Herrera, Sir Andy Sevilla at Ginoong Hermie “Siyete De Marso” Esguerra. Nawa’y maging masaya, ligtas at pinagpala ang karagdagang taon na ito sa ating lahat.

 

 

ni Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …