Friday , November 15 2024

House arrest ayaw ni John

040514 jpe enrileMISMONG si Senador Juan Ponce Enrile ang tumatanggi sa panawagang house arrest para sa kanya.

Inihayag ito ng anak niyang si dating Congressman Jack Enrile.

“He wants to go through the process, face his accusers, face the charges that are before him, answer them before the Filipino public and clear his name,” ayon sa nakababatang Enrile makaraan makausap ang amang nananatili sa Makati Medical Center.

“He’s in a fighting mood. He really wants to clear his name not only for himself but for his family as well.”

Samantala, pinasasalamatan aniya ng 91-anyos senador ang mga nagmumungkahing i-house arrest na lang siya para sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Isang linggo na sa Makati Med ang mambabatas makaraan makaranas nang mataas na lagnat at ubong may dugo dahil sa sakit na pneumonia habang naka-hospital arrest sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame.

Ani Jack, gusto na rin ng kanyang ama na bumalik sa kulungan sa PNP.

“At least doon daw nasisinagan siya ng araw because he is allowed to walk around for about an hour a day and there are windows in his room.”

Kaugnay nito, sinabi aniya ng mga doktor, patuloy na bumubuti ang kondisyon ng senador at maaari na rin makabalik sa Camp Crame sa loob ng isang linggo.

“His infection has been reduced to about 50%… He is in good spirit and he was standing up already and walking about although not as strong as when I saw him last during his birthday,” ani Jack.

House arrest kay JPE unfair sa ibang preso — Miriam

MARIING tinutulan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang hiling na i-house arrest si Sen. Juan Ponce Enrile.

Matatandaan, isinugod ang 91-anyos na akusado kaugnay sa pork barrel scam, sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia.

Ayon kay Santiago, kapag isinailalim sa house arrest ang senador ay malinaw itong paglabag sa equal protection of the law.

Ginawa niyang halimbawa si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nasa ilalim ngayon ng hospital arrest.

Giit niya, kung edad lang ang pag-uusapan ay marami na ang namatay sa kulungan dahil sa katandaan habang hinihintay ang resulta ng kanilang apela sa korte.

Maigi pa aniyang gumawa na ng batas para sa lahat upang maiwasan ang special treatment.

Hindi rin kombinsido ang dating regional trial court judge, sa tunay na sakit ni Enrile.

“Eh ‘di kung ubuhin ka pala puwede ka na mag-house arrest?” sabi niya.

“Lahat na lang ng matatanda sa preso, sa kulungan, magke-claim din sila na may pneumonia sila. There will be an epidemic of pneumonia.” 

Cynthia Martin/Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *