Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gorayeb: Nasa amin ang momentum

ni James Ty III

030615 roger gorayeb

NANINIWALA ang head coach ng National University women’s volleyball team na si Roger Gorayeb na kaya ng kanyang mga bata na muling talunin ang De La Salle University sa do-or-die na laro nila para sa huling silya sa finals ng UAAP Season 77 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Noong Miyerkoles ay ginulat ng Lady Bulldogs ang Lady Spikers, 25-20, 25-20, 25-19, sa loob lang ng mahigit isang oras sa Smart Araneta Coliseum kahit twice-to-beat ang tropa ni coach Ramil de Jesus.

“Gusto ko lang makita, maganda ang laro ng mga bata. At talagang maganda ang nilaro nila,” wika ni Gorayeb na dating head coach ng Ateneo de Manila. “I don’t want to prepare for their (La Salle) adjustments kasi nasa amin na ang momentum.”

Ito ang ika-walong panalo ni Gorayeb sa 11 na laro mula noong hinawakan niya ang NU sa kalagitnaan ng elimination round.

Sumandal ang Lady Bulldogs sa tig-13 puntos nina Jaja Santiago at Myla Pablo, kasama ang limang supalpal ni Desiree Dadang, upang maiposte ang panalo.

“Maganda ang blocking ni Dadang,” ani Gorayeb. “Anuman ang mangyari, proud pa rin ako sa mga players ko.”

Gagawin sa alas-4 ng hapon ang huling laro ng NU at La Salle kung saan ang mananalo rito ay aabante sa finals kontra Ateneo na dalawang panalo na lang ang kailangan upang mapanatili ang korona.

Winalis ng tropa ni Alyssa Valdez ang eliminations sa kanilang 14 na sunod na panalo.

Sa alas-2 ng hapon ay tatangkain ng Ateneo na makuha ang korona sa men’s division kontra NU.

Sa pangunguna ng 31 puntos ni Marck Espejo ay tinalo ng Eagles ang Bulldogs, 25-19, 30-28, 20-25, 25-22, noong ding Miyerkoles.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …