Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Malaysia bilang supporter ng MILF

USAPING BAYAN LogoNAPAKASUWERTE ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino kasi sa kabila ng galit ng tao sa kanya kaugnay ng sinasabing kaugnayan niya sa insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 magigiting na pulis ang minasaker ng Moro Islamic Liberation Front ay ayaw pa rin ng karamihan na mawala siya sa poder. Ang pakiramdam kasi ng marami ay lalong gugulo ang kalagayan kung siya ay aalis sa poder. Tapusin na lang daw ang kanyang termino total konting panahon na lamang ang nalalabi. May palagay ako na alam na ng bayan na ang espesyal na pangulong BS Aquino ay lameduck na o walang silbi kaya kampante na sila na wala nang aberyang mangyayari pa.

May mga nagre-react sa kolum ni Rigoberto Tiglao sa pahayagang Manila Times na nagsasabing tumutulong ang Malaysia sa MILF. Ayon sa nag-react walang masama sa tulong na ibinibigay ng Malaysia sa Moro Islamic Liberation Front dahil pareho silang Muslim. Hmmm… nagulat ako sa reaksyong ito kasi nakapagtataka na hindi nakikita ng reaksyonista na ang Malaysia ang puno’t dulo ng karahasan sa Mindanao. Dahil sa tulong ng Malaysia ay nalalagay sa panganib ang integridad ng ating republika, ang republikang pinag-alayan ng buhay nina Gat Andres Bonifacio, Dr. Jose Rizal, o Marcelo H. Del Pilar. Ang Malaysia ang nagbibigay ng armas, training at pera sa MILF na maaaring ginamit sa pagpatay nila sa Fallen 44 at para maihiwalay nila sa republika ang Mindanao at Palawan. O ayan wala raw masama sa tulong ng Malaysia.

Pahiwatig pa ng pumuna, wala raw kredibilidad si Tiglao dahil kabilang siya noong panahon ng rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo na ibig makipagkasundo sa MILF. Tama, isa si Tiglao sa bahagi ng rehimen ni GMA at maaring politically motivated ang kanyang kolum pero hindi ibig sabihin ay walang sustansya ang isinulat ni Tiglao kaugnay ng kasalukuyang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan ng espesyal na Pangulong BS Aquino at MILF.

Sabi naman ni Homobono Adasa sa kanilang demandang treason sa Ombudsman laban sa espesyal na Pangulong BS Aquino na ‘yung P5 milyon na ibinigay ng espesyal na Pangulong BS Aquino sa MILF noon sa Kuala Lumpur ay maaaring ipinambili rin ng armas ng MILF na ginamit sa masaker ng 44 PNP-SAF.

***

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …