Friday , November 15 2024

Alingasngas sa buhay ng isang alkalde sa Bulacan

00 Abot Sipat ArielMARAMING alingasngas sa Bulacan sa biglang pagyaman ni Guiguinto Mayor Ambrocio Cruz na nai-feature pa ang buhay sa Rated K ni Mrs. Korina Sanchez-Roxas bilang “Boy Kargador.” Pinalabas niyang isa siyang kargador sa Divisoria kaya nakatapos ng accounting sa University of the East at naging CPA.

Una kong narinig ang kanyang pangalan sa pinsan kong kontratista na si Roberto Somook o si Kuya Berting. Opisyal kasi si Cruz ng Pilipinas Shell Petroleum noon at dahil siya ang may hawak ng mga kontrata, ipinasa-sub contract niya ang mga gasolinahan sa isang contruction company sa Malolos City na pag-aari ni G. Jaime Jose. Ibig sabihin, naka-front si G. Jose sa lahat ng kontrata pero ang talagang gumagawa ng mga gasolinahan ng Shell sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ay mga walang puhunan na tulad ni Kuya Berting.

Dumami ang mga kontrata ni Cruz at dahil siya ang tunay na kumikita nang malaki sa mga kontrata sa Shell sa tulong ni G. Jose, lumaki ang kanyang mga negosyo hanggang maitayo niya ang Archer Realty & Development Corporation sa Guiguinto na naging prominente sa pamamagitan ng St. Agatha Resort & Hotel.

Lalong yumaman si Cruz nang maging alkalde ng Guiguinto sa tatlong termino. Pero matapos ang termino, nagoyo siya ng isang political ope-rator na alyas “Blackjack” na gumagamit ngayon ng pangalang Victor de Loyola at natalo sa halalan para sa pagiging kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bulacan.

Ngunit sa tulong ng isang heneral ng Philippine National Police, lalong yumabong ang kayamanan ni Cruz dahil siya ang itinuturong namumuhunan sa ilegal na jueteng sa Bulacan. Naging front kuno ni Cruz ang Small Town Lottery o STL pero tulad ng ilang STL operators, hindi inirereport sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang tamang kuwenta o dapat na ipasok na pera sa ahensiya. Pinabulaanan man ni Cruz na isa siyang jueteng lord, isang alyas “Val” ang nagbistong siya ang hari ng ilegal na sugal sa lalawigan.

Sa dami ng pera, muling nanalo si Cruz sa halalan noong 2013 kaya may mga tsismis na lalo siyang yumaman dahil lumawak ang kanyang jueteng kingdom sa Bulacan.

Pero minsan kong naitsismis si Cruz nang pagtakpan niya ang isang rape case sa kanyang hotel. Ang totoo, palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi ito pumutok sa mediamen sa Bulacan. Nagtanong nga sa akin ang kaibigan kong taga-NBI na si alyas “Kamote” kung paanong nai-news blackout ang paggahasa ng apat na lalaki sa pamangkin ng isang miyembro ng Gabinete ni P-Noy.

Sabi ni Kamote, noong nakaraang Hunyo pa nangyari ang krimen sa St. Agatha Resort na pag-aari ni Cruz ng Guiguinto, Bulacan. Ang biktima, itago natin sa pangalang Juliet, 17 anyos, at tubong Pulilan, Bulacan, ay nakipag-inuman daw sa kanyang boyfriend na si Romeo kasama sina alyas John, alyas Clark, at alyas Jeff sa isang kuwarto sa nasabing resort.

Nang malasing daw si Juliet ay sinimulan na siyang “papakin” ni Romeo. Gustong pumalag ni Juliet pero hilong-hilo siya hanggang maramdamang “pinapapak” na rin siya nina John, Clark at Jeff.

Nang matauhan, kaagad nagsumbong si Juliet sa kanyang mga magulang at siyempre, nang malaman ng Cabinet member ang masaklap na nangyari sa kanyang pamangkin ay agad niyang inutusan ang NBI para imbestigahan ang krimen.

Pero dahil kahiya-hiya ang pangyayari, waring naibaon sa limot ang panggahasa ng apat na lalaki sa isang menor de edad na babae. Malakas sa Fourth Estate ang miyembro ng Gabinete na ang nakikipag-usap sa mga editor ay isang guwaping na dating tabloid editor na nagkampanya para sa tambalang Noy-Bi sa halalan noong 2013. At dahil sa Noy-Bi ek-ek, nangyari ang karumal-dumal na Mamasapano massacre. Tsk.

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *