PATAY na nang matagpuan ang isang doktor makaraan magbaril sa sarili sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Raymund Pamintuan, 36, walang asawa, ng 832 Sisa Street, Sampaloc, Maynila, may tama ng bala sa dibdib.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles Duran, dakong 9 p.m. nang matagpuan ni Maricar Andaya, 19, kasambahay, ang wala nang buhay na biktima sa loob ng banyo.
Nabatid na ang biktima, may clinic sa Green Hills, San Juan City, sinuspinde ng Department of Health (DoH) ng 90 araw sa hindi pa malamang dahilan.
(LEONARD BASILIO)