NAGBABALA ang Palasyo sa publiko laban sa mga pangkat na nangangalap ng donasyon gamit ang Fallen 44.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakatanggap ng impormasyon ang Malacañang na ipinanghihingi ng donasyon ng ilang walang konsensiyang tao ang Fallen 44.
Binigyang-diin ni Valte, kumikilos na ang mga awtoridad para ipataw ang nararapat na aksiyon at mapanagot ang mga nanloloko sa kapwa.
Ipinaalala ni Valte sa publiko, tanging ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) lamang ang awtorisadong tumanggap ng mga donasyon at tulong para sa naiwang pamilya ng SAF 44.
(ROSE NOVENARIO)